Introduction

110 1 0
                                    

Ang sarap ng feeling na main-love no?? Parang araw araw kang nasa alapaap. Parang hindi mo kayang mabuhay ng isang araw na wala siya sa tabi mo. Parang siya yung oxygen mo.

Araw araw kayong magkasama. Kahit kayo na, parang nagliligawan parin kayo. Holding hands while walking. Subuan ng pagkain. Sweet talks out of nowhere. LQ. Asaran. Sasabihan kayo ng tropa niyo "PDA!". Pero wala kayong pake dahil nga in-love kayo. Diba?? PDA na kung PDA eh sa mahal niyo ang isa't-isa eh.

Pero sa isang love story hinding hindi mawawala ang kontrabida. Sisirain kayo. Lalayuan mo, lalapitan ka parin. Bwisit sa buhay. Bigla bigla sumusulpot. Habol ng habol. Mukha pang sira ulo minsan. Leche sa buhay. Parang ipinanganak lang siya para bwisitin ka. Papansin. Nagseselos kahit hindi naman kayo. Feeling close. Kukulitin ka. Sasaktan yung mahal mo. Paghihiwalayin kayo. Gagawin ang lahat lahat kahit magmukha pa siyang tanga. Salot sa buhay. Patay na patay sayo. Sarap banatan eh. In short DESPERADA.

Grabe lang eh no?? Kung kailan ang saya saya niyo na ng taong mahal na mahal mo tiyaka pa siya dadating para sirain ang buhay mo.

Hindi pa nagpaawat binablackmail ka pa! Syempre hindi ka na makakatanggi kung ang pang blackmail ba naman sayo eh....

"Be with me, or she'll suffer."

Makakatanggi ka pa ba niyan? Syempre hindi! Ang selfish mo naman kung pipiliin mong masaya ka pero siya nasasaktan.

Hindi naman sa hindi mo siya kayang ipaglaban. Oo, gustong gusto mo. Kahit na sabihin pa natin na kayang kaya mo siya ipagtanggol, hindi naman pwede na naka dikit na lang siya sayo.

Maaring ang saya saya niyo pagmagkasama kayo. Eh pag nahiwalay sayo? Halos magmukha nang pulubi sa dungis. Sugat sugatan na. Parang nangitim na sa puro pasa niyang katawan. Bruha na. Minsan inaakala mo pang sadako. Nalilimutan mo na na siya pala yung taong mahal mo. Dahil sa pananakit sa kanya ng kontrabida sa love story niyo.

Kahit na alam mo na masasaktan at masasaktan siya kapag iniwan mo siya. Sa sobrang pagmamahal niya sayo. Alam mong makakahanap siya ng kapalit mo. Kahit na masakit tatanggapin mo. Kesa naman magkasama kayo pero mamatay matay na siya sa pananakit sa kanya. Pano kung isang araw bumigay na lang bigala ang katawan niya dahil sa pananakit sa kanya? Kung tuluyan siyang mawala? Mas masakit para sa lahat diba? Eh kung pipiliin mong palayin na lang siya kahit mas masakit sa inyo parehas, kahit na ayaw niyo?? Mas mabuti pa hindi ba? Kasi pwede siyang maka hanap ng kapalit mo. Kahit na masakit pa sayo. Kaya hindi niyo siya masisi kung bakit iniwan niya siya eh mahal niya naman. Kasi kung kayo lang nasa sitwasyon niya ito din ang pipiliin ninyo.

Mahal na mahal mo siya. Pero hindi mo sinabi sa kanya na mahal na mahal mo siya kasi ayaw mong paasahin pa siya habang buhay. Grabe nanaman kasama mo noon pagpinaasa mo pa! Eh sinaktan mo na!

At lahat ng ito nangyari sa akin.

Eto na siguro yung karmang sinasabi nila. Ang hirap niya pala gumanti. Dahil sobra sobra ang sakit. Oo, pinagsisisihan ko na lahat! Aaminin ko playboy ako. Marami na akong napaiyak. NOON. Pero dati pa yun. Siguro eto nga ang sinasabi nilang karma. Eto nga siguro ang ganti ng tadhana.

Ang masaklap pa dito, nangako ako sa sarili ko na babalikan ko siya. Pero wala. Wala hindi na mangyayari kahit kailan pa. Dahil....

I, Daniel John Ford Padilla am,

Loving the Desperate

-------•••-------•••-------•••-------•••-------•••-------•••-------•••-------•••-------•••-------

Written by : SilentWorker -@gia210jg

Started at the 12th of February 2015

All Rights Reserved 2015

Loving the DesperateWhere stories live. Discover now