"Hero, ayoko na. Let's break up!"
Nagulatantang si Hero na tumingin sa akin. Hindi marahil makapaniwala sa narinig.
"Baby, that's a bad joke. Paano mo nasabi ang ganyan sa mismong anniversary natin? That not a good prank baby." sabi niya habang busy parin sa paglalaro sa kamay ko. He loved doing that, hindi ko alam kung bakit.
Inis kong hinablot ang kamay ko sa kanya. Mas lalo siyang nagulat sa aking inasal. Never kasi akong naging marahas sa kanya, ngayon lang.
" Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi kong ayoko na! Hero, pagod na pagod na ako sa sobrang clingy mo! 'Yung kahit lalabas lang para bumili sa tindahan ay kailangan ko pang ipaalam sa'yo.' Yung ultimo maliliit na bagay ay kailangan kong sabihin sa'yo! Mga ugali mong ganyan na hirap na hirap na akong pakisamahan. Please, let me go. I don't love you anymore. "
Natulala siya sa aking mga sinabi. Sinubukan niya akong lapitan pero tinulak ko lamang siya.
" I'm S-sorry if you feel like that baby. Promise i'll change h'wag ka lang mawala sa akin. I can't live without you baby, i cant."
Lumuhod siya sa aking harapan at niyakap ang binti ko habang lumalandas sa pisngi niya ang masasaganang luha.
"Leave Hero, tapos na tayo!" maliit pero may diin kong sabi ng hindi tumitingin sa kanya.
Unti-unti niyang binitawan ang aking mga binti at dahan-dahang tumayo habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata. Tumingin siya sa akin at nakita ko ang walang buhay niyang mga mata. Wala kang mababasang emosyon dito.
Tumalikod na ako sa kanya upang magsimula sanang umalis ng magsalita ito.
"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga sinabi mo kanina habang iniisip ko ang mga pinagsamahan natin. Sana hindi mo na pina abot ng isang taon bago mo sabihing pagod ka na sa akin at ayaw mo sa ugali ko. Ang saya lang natin kanina Kira. Akala ko 'yung sayang naramdaman ko kanina ay magtuloy tuloy na hanggang sa ikasal tayong dalawa. Akala ko nung ipagkaloob mo' yung sarili mo kanina ay buong puso mo itong binigay. Haha, hindi pala.
Sorry kung hindi 'yung gusto mo talaga ang makaka una sayo. Sana' nung ginawa natin yun ay pinigilan mo ako kasi ung mga akala ko ay 'gang akala lang pala. Kira, ganun nalang ba ang halaga nun sa' yo? Parang nagtapon ka lang ng basura a kasi hindi ko na' yun maibabalik pa sa'yo. Ang sakit lang na itatapon mo lang ng ganun ganun ang pinagsamahan natin. I give my best to love you kira and i thought you do the same pero nagkamali pala ako." Malakas itong napabuntong hininga.
" Yeah, pinapalaya na kita Kira. I don't want to supress the happiness you want because I Love You so damn much to the extent that i'm giving you to your true happiness Kira even if it's killing me. Take care always. I'm Sorry again if i failed you."Noong naramdaman ko ng nakalayo siya ay napaupo ako sa lupa habang hinahayaan kong umagos ang aking mga luha.
" I'm Sorry Hero! I'm Sorry." hingi ko ng tawad kahit alam kong wala na siya sa tabi ko at tuluyang wala na nga sa buhay ko. Napahagulhol ako sa aking kinauupuan.
"Tang*na mo self! Wala kang karapatang masaktan kaya tumigil ka ng puso ka sa sakit!" pinag susuntok ko ang aking dibdib para tumigil na ito sa paghihinagpis pero hindi man lang nabawasan ang sakit na dulot nito.
Napaluhod na lang ako kakaiyak habang hawak hawak ang aking pusong sumisikip. Hindi ako makahinga.
"Kiraaaaaaaa!" yan lamang ang aking narinig bago ako kinain ng kadiliman.
YOU ARE READING
The GRIEF of Kira
Short StoryLove that always matter. Love wins in every battle ma pa saya man o lungkot. Basta may tunay na pagmamahal ay walang makakatalo dito.