ONE SHOT STORY

19 1 0
                                    

PAUBAYA
@decembecrushinguy



“Ganda ‘no?” I am asking him while appreciating the almost paradise view of surroundings. Our safe haven…before.


“Sobra…” He silently answered.
“Na-miss ko ‘to.” Dagdag nya pa


“Ako rin…Na-miss ko ‘to. Na-miss ko… ang tayo.” Then I looked at him.

“Celine…” Para syang nagulat sa tanong ko nang mapatingin sya sa akin.

Maybe he didn’t expect that question from me. It’s been a long time, years have passed, pero heto ako. Parang tanga na nagtatanong sa kanya kahit alam ko naman na ang magiging sagot nya Nakakatawa lang.

“Sa tingin mo, kung ‘di tayo naghiwalay dati…ano kaya tayo ngayon?” tanong ko sa kanya ng hindi ako nakatingin. He’s still looking at me, but I managed to ignore his gaze.

“I-I don’t know. But I am happy now. Very much happy and I know… you are happy, too.”

“Super…” I replied with my best smile. Yes… my real smile that he hasn’t seen for years.

“Natatandaan mo pa ba nung una tayong nagkakilala?” bigla nyang tanong sa akin kaya napatingin kaya naman napatawa ako.

“Di ko makakalimutan yan.” Then we start reminiscing our past.

PAST…

Simbang gabi ngayon kaya punuan talaga ang mga upuan. Nakaugalian ko na magsimba at sikaping makompleto ang siyam na gabi ever since bata pa ako.

Since maaga pa naman, wala pa masyadong maraming tao. Pero habang tumatagal, dumarami na rin. Napansin ko na halos mapuno na lahat na ang mga upuan pero may space pa naman sa tabi ko.

“Excuse me, Miss? May nakaupo na ba dito?” narinig kong tanong sa akin ng isang lalaki. Parang kasing edad ko lang sya. Di ko sya masyadong pinagtuuan ng pansin, but I still answered his question politely,

“Wala naman po.” Then medyo umisod ako ng kaunti para makaupo sya ng ayos.

“Salamat naman. Ito na lang kasi nakita kong bakante eh.” Dinig ko pang sabi nya.

Nanahimik rin naman sya agad pagkaupo nya. The holy mass started and it went well. Ang ganda ng homily ng pari.

“All we need to do is to have patience. Our dreams will come true if we combine prayers and hardworks. Para itong love and courtship. Hindi ba’t kapag may minahal kang tao, nililigawan mo siya? Gumagawa ka ng paraan para makuha siya at ang matamis niyang oo. Parehas kayong dalawa, ikaw na nanliligaw at nililigawan na gumagamit ng patience, because you believe that if you really deserve him or her, you are willing to wait. And when the right time comes, your prayers and dream girl or boy happened. Have patience. Wag kang magmadali.”
“Someday…” napatingin ako sa katabi ko dahil sa sinabi nya. Kung ano mang ‘someday’ yun, wala na akong pake dun.

Naging mahaba pa ang homily nya pero maganda naman. It seems like maraming nakaka-relate. Natapos rin ng maayos ang misa.

Time flies so fast. Tapos na ang Christmas, New Year, Valentine. Sa totoo lang, patapos na ang summer vacation ng lahat. Enrolled na nga ako for Senior High School. Last day of May, busy ang lahat sa Santakrusan. Di naman ako kasali pero nanonood ako ng parade ng mga Reyna. Habang tumitingin ako sa parada, napatingin ako sa kabilang side ng kalsada. He looks familiar, but I can’t fully remember him. Napatingin sya sa akin and he smiled at me. I ignored him. Baka kasi assuming lang ako. Lumipat na lang ako ng pwesto. Pero mukhang ako nga ata yung tipo ng lalaki. Sumusunod sya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paubaya [ONE SHOT STORY]Where stories live. Discover now