2.

20 0 0
                                    

"You hate her."

Sinabi ko 'yon kay Akaashi habang nagtitimpla ng juice. Mukha kasing magtatagal sila rito.

"I really hate her. Can't you see? she's a bitch." sagot ni Akaashi sakin. "I don't really like her attitude."

"Stop saying that, Akaashi. Kaibigan pa rin natin si Lev." suway sakaniya ni Bokuto habang gumagamit ito ng phone.

Lihim akong napangiti dahil kahit mas mukhang mature si Akaashi kesa kay Bokuto ay nagiging istrikto pa rin si Bokuto pagdating kay Akaashi.

"Ano ba? Si Lev ang kaibigan natin hindi yung kapatid niya." inis na sagot ni Akaashi.

"Isa ka ring tarantado eh. I am just doing this dahil humihingi ng pabor si Lev." sabi ko sakanila at inilapag sa harapan nila ang juice na tinimpla ko kanina.

"Masyado ka kasing mabait."

"I am." mayabang kong sabi. "Bakit? kung ang malapit mo bang kaibigan ang humingi sayo ng pabor, hindi mo pagbibigyan?"

"Bakit ko naman ibibigay si Bokuto?" inis niyang sabi sakin.

Kita ko ang pagngisi ni Bokuto bago yakapin sa bewamg si Akaashi. "Umuwi na kaya tayong dalawa? Para maging abala tayo sa isa't isa." mapaglarong sabi ni Bokuto.

"Tangina mo layuan mo ko." sabi ni Akaashi sakaniya.

Napahagalpak ako ng tawa dahil sa reaksyon ni Akaashi. Bokuto is just teasing him at napipikon naman siya.

Ngumuso si Bokuto bago umalis sa pagkakayakap kay Akaashi at binalikan ang ginagawa kanina. Nagpatuloy kami sa pag uusap ni Akaashi.

"Pano pag hindi umuwi ngayon si Kuroo?" tanong niya sakin.

"Bakit hindi?"

"Mag stay kay Alisa?" patanong niyang sagot.

"I am always coming home because my Kei is here."

Sabay kaming napalingong tatlo sa pintuan at doon ko nakita si Kuroo. Nakangisi siyang naglakad papunta samin. Inabot niya sakin ang daladala niya kaya kinuha ko ito at tinignan.

"Hindi mo pa rin ako napagkakatiwalaan, Akaashi?" tanong ni Kuroo sakaniya.

"Hindi." walang paligoy ligoy na sabi ni Akaashi. "Wala kasi sa mukha mong magseryoso."

Tumawa si Kuroo. "Kung hindi ako seryoso kay Kei, hindi ko siya isasama dito sa condo. Kung babae nga lang ang kaibigan mo, matagal na kaming may anak."

Nag init ang buong mukha ko dahil sa sinabi ni Kuroo. Agad ko itong inangatan ng tingin kaya mapang asar siyang tumingin sakin. Siniko ko siya kaya naman natawa siya lalo.

"Gusto mo ng anak, Kuroo?" tanong ni Bokuto.

"Sinong aayaw sa anak?" pabalik na tanong ni Kuroo.

"Paano kayo mag kakaanak ni Tsukishima?" tanong niya ulit.

At doon ako napaisip. I also want a kid pero hindi ako magkakaanak kay Kuroo. Paano ang magiging paraan namin? Habang buhay ba kaming magkasamang dalawa?

"Bakit ba masyado mong sineseryoso sinabi ko? I want a kid pero kung hindi mangyayare, edi hindi. Gusto ko lang naman yung magkasama kami ni Kei."

"Sinungaling." bulong ni Akaashi sakin kaya tumawa ako.

Hindi niya talaga mapagkatiwalaan si Kuroo dahil dati 'tong babaero. Ayaw niya si Kuroo para sakin pero wala rin naman siyang magagawa dahil ako ang may gusto kaya kahit kami na ni Kuroo, inaaway niya nalang ito ng harap harapan.

"Kumusta ang pagpunta kay Alisa?" tanong ko sakaniya.

"Sinamahan ko lang siya sa hospital." sagot niya sakin.

"Walang ibang nangyari?"

Napatingin siya sakin. "Meron ba dapat iba pang mangyari, Kei?" tanong niya sakin.

"I mean.. mamasyal kayo sa ibang lugar?"

"Sinabi ko kasi sakaniyang gusto ko na agad umuwi. Why? you don't want me here?"

"Gusto."

Ngumisi siya sa naging sagot ko bago ako talikuran para pumunta sa kwarto. Ibinalik ko ang tingin ko kila Akaashi.

"He's really something." sabi ni Akaashi.

"Tigilan mo nga kakasabi ng kung ano ano kay Kuroo."

"Bakit? I hate him."

"Lahat naman ata ayaw mo."

Tumawa si Bokuto sa naging sagot ko. "Totoo 'yan."

"I don't like people but pero hindi ko rin sila kinamumuhian. Yung dalawa lang talaga. Si Alisa at Kuroo." sagot ni Akaashi.

"Bahala ka sa buhay mo. Kung saan ka masaya." natatawa kong sagot sakaniya.

"Pag nagloko, sunugin mo itong condo kasama siya."

"Masyado kang brutal hayop ka."

"Hindi mo balak 'yon? masyado kang mabait." sabi niya pa sakin.

Tinawanan ko lang ito at hindi na inintindi ang sinabi niya. Naalala ko ang sinabi ni Kuroo kanina. Gusto niya ng baby pero hindi ko kayang magdala non dahil pareho kaming lalaki.

Kung ano ano na ang pumasok sa isipan ko dahil sa sinabi niyang 'yon.

Pano kung magcheat siya dahil gusto niyang mag kaanak?

Paano kung panandalian lang pala ang lahat ng ito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hold Me Closer. Kuroo & Tsukishima.Where stories live. Discover now