B A G O N G T A O N (ONE- SHOT)

46 4 2
                                    

Eme lang po ito pinagawa kasi kami ng kwento sa Filipino eh medyo nagandahan ako sa gawa ko so yun naisip ko lagay sa wattpad cause why not coconut HAHAHAHAHAHA : )

B A G O N G   T A O N

Sa aking pag labas sa aming pintuang pula mabilis kong nadama ang malamig na simoy ng hangin.
Ang mga tao ay abala na sa kanilang mga ihahanda. Inikot ko ang aking tingin, kinakabisa ang gawaing taon-taon ng nakasanayang gawin.
Ako ay muling pumasok sa aming pintuang pula upang pumunta sa aking Ina.
Siya ay aking hinagkan at tinanong kung ano ang aking maaaring maitulong.

"Kunin mo na lamang ang payong likod ng pinto anak."
Agad akong tumalima, kinuha ko ang  payong at iniabot sa aking Ina na nasa sala't nakaupo sa may kalumaan na naming sofa.

"Anak samahan mo na rin akong mamili sa bayan ng mga kailangan sa pagluluto ng ating mga ihahanda." Nakangiting saad niya sa akin.

Nang iniapak ko ang aking mga paa sa gilid ng kalsada ng hindi kalakihang pamilihan ng aming bayan, agad kong nakita ang maraming taong namimili.
Unang naglakad ang aking Ina habang ako ay nasa likod lamang niya't nakasunod sa kaniya.

Pumunta siya sa bilihan ng mga karne, bumili ng manok dahil mas mura ito kaysa sa karneng baboy. Sunod na pumunta sa tindahan ng gulay, para bumili ng panahog sa pansit na pangpahaba raw ng buhay. Ang huli na aming binili ay ang sahog ng biko, para sa malagkit  na pagsasama. Ang biko ay para rin daw sa malapit na pakikitungo ng bawat myembro ng pamilya sa isa't isa. Napadaan kami sa tindahan ng mga candy, kami ay bumili na rin, para naman raw sa matamis na pagsasama lalo na ng mga mag-asawa.

Nang makauwi kami ay nagpahinga muna saglit hindi ko namalayang nakaiglip na ako sa sofa ng aming sala.

Naalimpungatan ako ng dahil sa nakakatakam na amoy. Iminulat ko ang aking mga mata, hinanap ng aking pang-amoy ang pinanggagalingan ng mabangong amoy na iyon.

Napadpad ako sa aming kusina, naabutan ko ang aking Ina, siya ay masayang nagluluto na pala ng pinagmamalaki niyang  pansit.

"Ma, maaari bang matikman?" Agad naman itong naglagay ng kaonti sa platito at nilagyan ng tinidor.

Nang nalasahan ng aking dila ang pansit ay may bigla akong naalala mas masaya sana kung nandito pa rin siya. Noong gumabi ay napagpasyahan ko nang maligo at aking sinuot ang t-shirt na may design na bilog bilog pang pasuwerte raw ito.

Pagkababa ko ng hagdan ay naaninag ko ang pinaka matatag na babae para sa akin, ang aking Ina na nag hahain na sa hapag. Noong nakaraang taon ganito rin ang handa namin ngunit hindi na katulad ng dami namin sa tahanang ito.

Nanariwa ang imahe ng aking Ama na nakahandusay sa labas ng aming pintuan na nababalot sa sarili nitong dugo.
"Happy New Year Anak" May ngiti sa labi na bati nito sa akin na huling ngiti at bati niya na rin pala.

Ang kaniyang mga mata ay pumikit ngunit ang kaniyang ngiti sa labi ay nandoon pa rin.
Nakatayo pa rin ako malapit sa kaniya na gulat sa nangyari't hindi pa din makapaniwala sa nasaksihan.

Bumalik ako sa reyalidad ng may yumapos sa akin.
"Anak, kumain na tayo," Paanyaya sa akin ng aking Ina, ngiti lamang ang aking naging tugon.

Maya maya ay nakarinig na kami ng mga ingay na nanggagaling sa mga paputok, motor at baka may baril din na dahilan ng pagkawala ng aking Ama. Palatandaan na ang bagong taon ay sumapit na.

Bagong Taon (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon