Ahm, first time kong magsulat :) Sana magustuhan ng mga makakabasa :)
Ang isusulat ko po ay totoong nangyari sa akin, sa school ko dati.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
2nd year High School ako nang mangyari 'to.
Break time sa school namin. It was 3:oo in the afternoon.
Bago kami kumain ng mga kaibigan ko, naghanap muna kami ng aming mauupuan. Matapos kaming makahanap ng pwesto, iniwan namin ang mga lunch box namin sa pwesto namin at sumaglit sa CR.
Pagbalik namin sa pwesto namin, hinahanda na namin ang lunch namin.
Habang hinahanda ko ang akin, bigla akong napatingin sa likod ko dahil may biglang tumakbo. Bata, maitim, hindi ko mawari .. parang anino lang pero itim na itim talaga ehh. Mabilis ang takbo nito kaya ang akala ko lang ay nakikipaghabulan ito, ngunit nang tumingin na nga ako sa aking likuran, nagulat pa ako nang wala akong mapansing bata roon.
Tinanong ko ang mga kaibigan ko kung nakita nila kasi sila ang mas makakakita noon dahil paharap ang pwesto nila sa pinagtakbuhan ng bata.
Ako: Ui, nakita nyo ba yung tumakbo sa likuran ko? Yung bata?
Kat: Ha? Wala naman ah. O.o
Ako: Hindi, may tumakbo talaga nakita ko ehh. Lilingon ba ako sa likod ko kung wala akong nakita.
Abi: Ui, friend, wag ka namang ganyan. Ang aga-aga kung anu-ano nakikita mo.
Napansin kong natakot ang mga kaibigan ko kaya hindi nalang ako ulit umimik. Pero palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon ang nakita kong iyon.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sana nagustuhan nyo ang sinulat ko. :) Salamat sa pagbasa! Sa uulitin! :)