CHAPTER 4 (First meeting)

54 10 3
                                    

TAHIMIK akong kumakain ng burger nang may tumabi sa akin. Nabangga pa ako ng mahina kaya tinitigan ko ito ng masama.

"Girl patabi naman! Wala ka pang partner sa reporting? Tayo nalang!" hindi pinansin ni Kim ang nakakamatay kong tingin at nagpatuloy lang sa pagsasalita.

Nagpatuloy lang ako sa pagnguya at hindi na inintindi ang katabi ko.

"Ito naman! Parang walang kausap eh. Ayoko kasi dun sa kapartner ko kaya ikaw nalang." pagpupumilit pa nito na may malawak na ngiti. Kahit kailan hindi talaga nauubusan ng energy. Tsk!

Bakit ba ang daldal nito? Hindi ba niya napapansin na gusto kong kumain ng tahimik?

"Exempted kami." walang gana kong sagot sabay kagat ng panghuling piraso ng burger.

Totoo naman yun. Sabi ni ma'am ay mas kailangan naming magfocus sa research kaya exempted na kami. Maikli lang ang oras na ibinigay kaya kailangan na naming magsimula as soon as possible.

"Ay? Sanaol. Ako kasi kapartner ko si Ms. President. Mukhang hindi pa siya masaya na ako ang kapartner niya. Anong akala niya bobo ako? Di niya alam ginagamitan ko pa ng Integral Calculus ang kilay ko kapag nagme-make up ako!" patungkol nito kay Kath. Siya kasi ang president ng classroom at secretary naman ng SSG.

Tss. Kahit ako rin naman maiirita kapag si Kim ang kapartner ko. Sa ingay ba naman nito sa tingin mo may matatapos kayo?

"By the way, bugbog sarado si Renzo kanina ah? Mukhang nadali ng grupo ng mga Trevino sa riot kagabi."

Napataas naman ang kilay ko. Sino naman yang Renzo na yan? At ano namang kinalaman ko dun?

Mukhang nabasa niya ang ekspresyon ko kaya nagsalita. "Si Renzo! Yung lalaking sinapak mo sa Canteen last week! Ang yabang nga eh. Sumugod pa yun noon sa room natin at hinahanap ka. Di niya raw papapasukin yung susunod na teacher hanggat hindi ka namin nilalabas. Buti nalang wala ka."

Ah. Yung mayabang na tukmol sa canteen. Hindi pa pala siya nadala.

"At ano namang gagawin ko dun?" walang interes kong tanong.

"Wala lang. Ang tahimik mo kasi masyado eh. Malay mo sumaya ka kapag nalaman mong nakarma yung kaaway mo. Diba?" nilabas nito ang salamin at nagretouch ng kaunti.

"George."

Napaangat ako ng tingin nang may lumapit sa table namin.

"Uwian daw. Sa tapat ng Plaza Central." si Kath.

Siya ang inutusan kong magsabi kay Dark tungkol sa research. Kaysa ako ang lumapit sa kanya, si Kath nalang ang sinabihan ko tutal pabor naman sa kanya. Ayaw ko mang lumapit sa babaeng ito e wala naman akong choice.

Tumango lang ako at bumalik sa pagkain. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti bago bumaling kay Kim.

"Come with me. Kailangan na nating paghatian yung report."

"As in ngayon na? Next week pa yun ah?" reklamo naman nitong si Kim. Busy pang mag lipstick at binalewala lang si Kath.

"Kailangan na nating magsimula dahil magiging busy kaming SSG. Kung ayaw mo naman I can do it myself. Your loss." sabay alis nito sa harap namin.

"Kasalanan ko bang nag-SSG ka? Eh wala ka namang ibang ginawa kundi maglista. Hmmp!" pabulong bulong pa niya. Niligpit niya ang gamit niya at tumayo."Makaalis na nga. Bye George. Buka buka din ng bibig pag may time. Baka bumaho ang hininga mo." at nawala na siya sa mundo ko.

Ingay talaga. Tss.

KASALUKUYANG nagrereview ang lahat para sa summative namin ngayon sa physics. Maraming kabado at todo effort sa pagsasaulo ng terms at formula. Naiintindihan ko naman sila dahil si Sir Guillermo ang teacher sa subject na to. Baka itakwil nun ang section namin kapag may bumaba nanaman sa subject niya.

The Game I Call 'LIFE'Where stories live. Discover now