[Benji POV]
Pumunta ako sa bahay nila Kearth para kamustahin siya kaso umalis daw pero dahil parang doon narin ako nakatira dahil since highschool kaming best ay magpatagal pa ako at okay lang naman sa daddy at lola Aning ni Kearth, doon ako kumain ng tanghalian at tumulong sa pagbabantay ng tindahan ni lola Aning at dahil wala parin si Kearth ay inabot na ako ng miryenda syempre pagkain yun lalafang ako, kaso dinner na wala parin siya at dumating na ang daddy niya galing office, at 10pm na tulog na ang kapatid niya at sarado na ang tindahan wala parin siya, mag eeleven pm na wala parin siya kaya sabi ko kila lola Aning ay mga eleven ay uuwi na ako, ayaw pumayag ni lola Aning at doon na ako pinapatulog dahil gabi na at delikado na daw sa daan sabi ko naman ay may dala akong kotse nakapark sa may parkinglot malapit sa gate ng subdivision kaya ng 11 pm na ay nagpaalam na akong uuwi at napilit ko na rim si lola Aning basta mag iingat daw ako pauwi, naglalakad ako papalapit sa gate kaso bat ganun? parang pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko? kakaiba kakaiba ang nararamdaman ko parang hindi tama na tumuloy ako sa paglabas kaso nasabi ko na kay lola Aning at sa daddy ni Kearth na uuwi na ako hindi nakalock ang maliit na gate kaya wala akong ingay na lalabas, pag labas ko ay may kung anong tunog akong naririnig, sabi ko sa isip ko " parang may naghahalikan naman? ganitong oras pa hayst" napabuntong hininga nalang ako at ang harap ko sa direksyon na dadaanan ko papuntang gate ng sindivision...
"ano to?" pabulong kong tanong sa sarili ko.
nanlaki ang mga mata ko gilat na hulat ako bumilis ang tibok ng puso ko at mangilidngilid ang mga luha ko dahilkitang kita ko sa dalawang mata ko ang bestfriend ko at si Cj na naghahalikan sa gilid at kahit di sila nasisinagan ng ilaw ay litang kita ko sila, halik na parang wala nang bukas halik na parang sila na, napahinto sila sa ginagawa nila nang maramdamang may tao na nakatayo sa gilid nila...
"B-Benji?" tanging nasabi ni Kearth.
"P-p-pare..." gulat na sabi ni Cj.
"k-kanina k-ka pa j-jan?" utal utal na tanong ni Kearth.
" Dito ba sa bahay niyo? oo kaninang kanina pa mula umaga kakamustahin sana kita kaso wala ka daw kaya naghintay nalang ako uuwi na ako." lumakad ako hanggang makalagpas ng konti sa kanila, huminto ako sa paglalakad at humarap ako ulit sa dalawa " sige ituloy niyo na yung ginagawa niyo sorry kung naistorbo ko kayo" nanginig ang boses ko at alam kong nahalat ni Kearth na paiyak na ako kaya tumakbo ako ng mabilis papunta sa kotse ko, hinabol naman ako ni Kearth at sumunod na rin si Cj...
"Benji! hintay! Benji! magpapaliwanag ako!" hinihingal na sigaw ni Kearth habang hinahabol ako...
Hindi ko na siya pinansin at pagkarating ko sa parling lot ay nanginginig ako ng sobra kaya hindi ko mashoot yung susi ng kotse ko para mabuksan ang pinto, madulas na din ang kamay ko gawa ng pagpahid ko ng luha sa pisngi ko na umaagos mula sa mata ko kaya madulas dulas ang susi sa kamay ko pero nabuksan ko din ito agad ay dali dali akong sumakay ng kotse ko, hindi ko muna ito nastart at itinakip ko ang mga palad ko sa mukha ko at isinubsob ko sa manubela, narinig kong nasa labas na mg kotse ko si Kearth at nag aalala itong sinisigaw ang pangalan ko alam kong papasok siya sa kotse kaya pinindot ko ang auto lock button para malock lahat ng pinto, kitang kita ko na umiiyak na rin ito at sa ilang segundo lang ay dumating na rin si Cj.
" ipinaubaya na kita pero bakit ganun? nasasaktan parin ako? lalo na at nakita ko ng harap harapang naghahalikan kayo! t*** i** ko kasi nagbibitiw ako ng salitang diko kayang panghawakan! mahal kita Kearth! mahal kita!" malakas na sigaw ko sa loob ng kotse...
Alam kong walang kasalanan si Cj at Kearth sa nangyayari ako lang talaga tong tanga na asa ng asa na magugustuhan din ako ni Kearth, kumakalampag ang mga kamay ni Kearth sa windshield at umiiyak na nagmamakaawang buksan ko ang pinto, napatingin din ako kay Cj at kita sa mukha niya na naguguluhan na naaawa sa akin bubuksan ko na sana ang pinto kaso napapikit ako at nakita kong muli sa pagpikit ko ang paghahalikan nilang dalawa kaya inistart ko na ang kotse sabay pina andar dahan dahan ko muna itong pinalakad dahil kakabuhay palang at dahan dahan din nalakad si Kearth na umoiyak at nagmamakaawang buksan ko ang pinto at makinig sa sasabihin niya, para san pa? obvious naman na sila na diba? hindi naman siguro makikipag halikan si Kearth sa di niya karelasyon dahil matinong tao siya, nang pumasok ulit sa isipan ko ang nakita kanina ay pinaharurot ko ng napakabilis ang kotse ko na kala mo'y may racing competition, pinaandar ko ng napakabilis at hindo ko na binalak pang lumingon sa dalawa dahil sobrang nasasaktan ako.
**********
[AN POV]
oooohw saaaaaaad!!!!! iyong iyo ang isang buong chapter benji sige pagbigyan brokenhearted eh
sa palagay niyo? sino ba talaga ang deserve para kay Kearth?
BINABASA MO ANG
KAILAN?
Romantiekito ay boyxboy story napagtripan ko lang gawin to dahil sa sobrang walang magawa salamat nalang kung babasahin niyo pa hahaha maikli lang po ito bawat chapter ah sorry kasi nakakatamad gawin kapag mahaba nakakatuyo ng utak -ice price nakalimutan ko...