Chapter 5

21.3K 416 5
                                    

A/n: this story is edited.

Natahimik akong bigla sa sinabi nya. Nakaramdam ako ng akwardness sa pagitan naming dalawa.

"Uuwi na ako"sabi ko to break the silence. Tinitigan nya muna ako bago nagsalita.

''No, you stay here for good''sabi nya.

''For good? Ano ako nasalanta ng bagyo at kelangan ng mapagstayhan? Kalvin naman!"sabi ko. Nagsimula na naman kami.

"No more excuses Andrea. Stay here and that's final"ma-awtoridad na sabi nya sabay pasok ng banyo. Napakagat nalang ako ng labi. Pagdating kasi sa pakikipagtalo sa kanya ay palaging di ako nananalo. Tsk!

Lumabas ako sa kwarto nya at pumunta ng kusina, nakakagutom din palang makipagtalo nu? =_=.

''Ano ba yan pati ref walang laman"reklamo ko. Ni isa walang laman na makakain man lang pang paiwas gutom psh! Palibhasa maraming pera kaya laking resto tsk!.

Pumunta nalang ako sa living room para manuod ng t.v. Naiinip na ako dito, gusto ko ng umuwi sa apartment ko. 

Inikot ko ang paningin ko sa bahay nya. In fairness ang ganda ng pagkadesinyo ng bahay. Yung tipong simple lang sya. Hindi masyadong malaki, yung tipong walang 2nd floor. Isang palapag lang ang meron. Isa lang din ang kwarto.

Wait? Isang kwarto?! Tapos dito nya ako patutulugin? Ano to lokohan?.

''Laway mo tumutulo na"sabi nya. Nakanganga pala akong nakatingin sa kwarto nya at sakto naman ang paglabas nya. Bagong ligo. Psh! Dati ko pa yan pinagnanasaan. @_@ pero ngayon isa syang malakin ASA!.

''BAKIT ISA LANG ANG KWARTO DITO KALVIN?!!!"biglang sigaw ko. O sige ako na late reaction.

''Wag ka ngang sumigaw! Kanina ka pa ah para kang nakalunok ng megaphone''inis nyang sabi.

''Bakit isa lang ang kwarto dito?"ulit na tanong ko and this time mahinahon na ako pero medjo lang.

"Malamang, ako lang nakatira dito e''sagot nya. Sabay lapit sa kusina. Sinundan ko sya. Tss! As if naman may makikita syang pagkain dyan.

"E san mo ako patutulogin?"tanong ko habang nakasunod sa kanya.

"Sa labas" wala sa sariling sagot nya.

 ''Ano?!"di makapaniwalang sabi ko.

''Nagugutom na ako tara sa labas"sabi nya sabay hila sa akin palabas ng bahay.

"Ang ewan mo Kalvin!"sabi ko habang papasok ng kotse nya.

''Siguro naman tatahimik ka na pagnakakain ka na"sabi nya habang pinapaandar ang kotse.

"Siguro naman din pag nakakain ka na makakausap na kita ng matino. Walang connection yang sinasabi mo e"sabi ko sabay irap. Di na naman nya ako pinansin, nakafucos lang sya sa pagmamaneho.

Pumasok kami sa isang resto sa labas ng subdivision nila na sa tingin ko ay 24/7.
Umupo kami sa gitna dahil yun nalang ang bakante. Ayos ah, sa lahat ng mapagpwestuhan e dito pa sa gitna. 

''Dami mong order mauubos mo yan?"kunot noong tanong ko pagkalapag ng order nya.

''Anong mo? Natin"correction nya.

"'NATIN?! Ano tingin mo sa akin baboy?!"medjo napalakas na yung boses ko kaya napatingin sa amin yung mga kumakain din dito. Yung iba tumataw,yung iba naman tumingin lang tapos nagbubulungan. Tong kasama ko naman ay napaface palm sabay yuko.
''Hihihi"sabi ko sabay peace sign.

"Ang ingay mo talaga"sabi nya.

''S-Sorry"sabi ko nalang sabay yuko. Yan talaga ang ayaw ko pag nasa gitna e. Center of attraction masyadong lantaran.

"Don't mind them, just eat"sabi nya. Sabay abot ng pagkain sa akin. 
Tinanggap ko naman ito at tahimik na kumain. Haist! Nakakahiya yung ginawa ko.

Pagkatapos nyang bayaran yung kinain namin ay hinila na naman nya ako palabas. Seriously? Putol na braso ko nito sa kakahila nya.

Tahimik parin kami habang bumabyahe pauwi ng bahay nya.
Hanggang sa pag-uwi namin tahimik parin ako.

"Ano,''tawag ko nung napansin kung papasok na sya ng kwarto nya. Tumingin naman sya sa akin. ''San moko balak patutulugin?''nakapout na tanong ko alangan namang magkatabi kami ee ni minsan di ko pa sya nakatabing matulog.

''Sa kwarto ko''sagot nya sabay pasok ng kwarto nya, sumunod naman ako na nakakunot ang noo.

''Sa kwarto mo? Eh ikaw?''kunot noong tanong ko paharap sa kanya.

''Sa kwarto ko alangan namang sa labas''pilosopo nyang sagot.

''Eh? Dont tell me, magkatabi tayong matutulog?!''pasigaw na tanong ko.

"Pwede ba wag kang sumigaw! Di bingi ang kausap mo! At saka magkaharap lang tayo!"pasigaw nyang sabi. E ikaw nga din e nakasigaw tch!.

''Pake mo''sabi ko. "Ah basta ayaw kung tumabi sayong matulog"matigas na sabi  ko. Nangunot naman ang noo nya.

''Ayaw mo? Wag ka na ngang mag-inarte dyan. Humahanap ka nga ng paraan para magkatabi tayo e"sabi nya. Tinitigan ko muna sya ng mga ilang oras.

''Dati lang yun"sabi ko sabay iwas ng tingin. "Atsaka di naman yon natuloy no!"dagdag ko. Awkward na naman. 

Lumabas muna ako sa kwarto nya at pumunta ako sa likuran ng bahay nya. Gusto kong magpahangin dahil sa akwardness na namamagitan sa amin.

Naaalala ko na naman yung mga ginagawa kung kalokohan dati. Haist ano na naman ba ang gusto nyang mangyari? Ang magpakatanga ulit ako? No way! Nawala na nga sa akin lahat e!.

"Lumalalim na ang gabi Andrea,pumasok ka na''sabi nya. Tumango naman ako at sumunod sa kanya papasok ng bahay.

''Bigyan mo ko ng kumot at unan''sabi ko pagpasok namin sa kwarto.

''Para?''tanong nya na nakakunot ang noo.

"Para matulog. Dito ako sa lapag at dyan ka naman sa kama mo''sagot ko naman. 

"Tsk! Ang tigas talaga ng ulo mo"sabi nya sabay lapit sa aparador at kumuha ng kumot at unan. At medjo marahas na binigay sa akin.

''Aray naman di naman halatang di ka galit nuh?''sabi ko. Pero di nya ako pinansin. Humiga sya sa kama nya ako naman ay naglapag ng kumot sa sahig.

"Uuwi na ako bukas"sabi ko habang humihiga.

"Kung magreresign ka sa trabaho mas mabuting dito ka nalang for good"sabi nya.

''For good? Ano namang ka good good dun? At ano namang gagawin ko dito sa bahay buong magdamag? Tutunganga?''inis na sabi ko.

"Its up to you kung tutunganga magdamag"ang sama talaga nito kahit kelan. Ah basta bahala sya di nya ako mapipigilang umuwi. Uuwi talaga ako bukas.

Di ko nalang sya sinagot. Pinilit ko nalang ang sarili kung matulog. Kahit na parang namamahay ako.

''Andrea"tawag nya. Di ako sumagot. Ang none sense nya kayang kausap.

Napamulat ako ng mata ko ng kargahin nya ako pina bridal style at agad na inihiga sa kama.

My Devil Boss Is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon