"dahil gawa sa glass ang shoes ni Cinderella, nabasag yun at nahulog si Cinderella sa hagdan..." huminga muna ako ng malalim bago tinapos ang pagkukwento "and Cinderella comatose happily ever after..."
Isinara ko na yung librong ipinabasa saken ni Lelay na ibang iba sa ikwinento ko sa kanya. Ngumit ako. "Tapos na! Ang galing magkwento ni Kuya di--"
Grabe, ang haba ng kwento ko tapos tinulugan lang.
Gigisingin ko sana tapos papalibre ako kaso nagvibrate bigla yung cellphone ko sa bulsa.
JC calling...
Answer l Decline
Bago pa siya makapagsalita at sa halip na 'Hello' ang introduction ko, naglabas na agad ako ng sama ng loob.
"Bakit ang tagal nyo?! Si Lelay tinulugan na ako, nainip na sa kaka-antay sa inyo!"
"Woah Kuya, wag ka ngang high blood. Ang sabihin mo, nakaka-antok ka magkwento."tumawa muna siya bago ulit nagsalita "Delay nga pala ng 5 hours sina Daddy at Tito kaya---"
"5 HOURS?!" itinapat ko yung cellphone sa bibig ko at sumigaw "ANONG ORAS PA SILA DADATING?! EH KUNG UMUWI NA LANG KAYA TAYO?!"
"Ano ba Kuya? Masakit sa tenga! Kaya siguro nawala yung megaphone sa bahay, nilunok mo. Chillax lang---"
"Anong?! CHILLAX? KANINA PA TAYO NAG-AANTAY SA WAL---"
"EH KUNG PATAPUSIN MO MUNA KAYA AKO!" medyo natigilan ako sa pagsigaw niya. Nabasag ata eardrums ko? "Kuya?"
Hindi pa rin ako nagsasalita. Inaantay ko yung sasabihin niya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong nakangit ang gago.
"Yan! Eh di tumahimik ka din." tumawa siya sa kabilang linya, napailing na lang ako "Para kang si Mama kung dumada eh, sakit sa tenga. Sabi ni Mama, take and spend your time daw. Mag-gala ka daw muna kasi alam niyang HIGH BLOOD ka na naman at si Ate na ang bahala kay Lelay, on the way na siya papunta diyan."
BINABASA MO ANG
I Met an Idiot (One Shot Story)
Teen Fiction"isip-bata, brutal, di mo alam ang ginagawa mo, malakas ang topak, pabago-bago ka ng isisp, magulo, tatawa pero bigla kang iiyak, weird at higit sa lahat engot ka pero minahal kita hindi sa kung ano ka kundi sa kung ano ako kapag kasama kita." -and...