TIM

1 0 0
                                    

Hi friend, musta na? Tama ka naman na pag mahal mo hindi ka mapapagod. Hindi ka mauubusan ng dahilan para mahalin sya.

Naalala mo ba kung pano tayo nagkakilala? Nung mga panahon na yun, napagod na ko. Nung mga panahon na yun, sumuko na ko hindi dahil di ko na sya mahal kundi dahil kelangan ko ng mahalin yung sarili ko. Nung mga panahon na yun, nawalan na ko ng dahilan para patuloy ko pa syang ipaglaban. But at the back of my mind, umaasa ako na magiging okay pa din ang lahat. Umaasa ako na baka pwede pa. Umaasa ako na kaya pa. And right at that moment, pinakuha mo ko ng perang papel. Pinalukot mo saken, pinatapak-tapakan saka pinadampot mo ulet. Ang sabi mo, kahit anong mangyari hindi magbabago ang halaga neto. Parang ako, ilang beses man saktan, iwanan at pakawalan ay hindi magbabago kung ano ang halaga ng pagkatao ko. Naiyak ako. Tagos na tagos yung bawat salitang binitawan mo sa puso ko. Hindi man ako ganun kahalaga sa taong nagdesisyon na umalis sa buhay ko pero sobrang mahalaga ako sa mga taong totoong nagmamahal saken. Lalo na sa paningin ng mga anak ko.

Salamat kasi pinaramdam mo saken kung gaano ako kaimportante kahit di mo pa ako ganun kakilala.

Pag okay na ang lahat, magkita naman tayo. Gusto kong umiyak ulet. Hindi dahil nasasaktan pa din ako kundi dahil punung-puno na ng saya ang puso ko. 😊

🌼_sandy_🌼

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Open Letter to a FriendWhere stories live. Discover now