Mama, natatakot po ako eh. Baka mabully po ulit ako, o di kaya maging pabigat lang ako sa trabaho mo kapag sumama pa ako sayo paluwas - nangangambang sambit ni Luna.
Hindi naman talaga siya takot na magpunta ng siyudad dahil doon siya pinanganak at lumaki. Kaya lang ay hindi niya maiwasan hindi mag isip.
Ano ka ba anak, okay lang iyon, sabi nga ng amo ko papaaralin ka niya at malaking tulong sa amin ng papa mo iyon kaya tinanggap ko - sagot nito ng nakangiti.
Ngumiti na lamang ng alanganin si Luna, at nagsimula ng mag empake ng gamit.
Pasukan....
Hindi na kita ihahatid anak ah, basta okay na lahat ng gamit mo, magpakabait ka at mag aral ng mabuti. At ang importante sa lahat, mag iingat ka.
Opo ma, alis na po ako.
"Sana okay lang yung bago kong school. Hindi ko alam pero iba yung pakiramdam ko. Parang may mali, kinakabahan ako tuwing pasukan lalo na kung bagong umpisa ng klase, pero hindi ganito" anang isip ni Luna, ngunit ipinagkibit balikat nalang niya ito.
BINABASA MO ANG
The Stalker
General FictionMahirap bago nakapag udjust si Luna sa bago niyang eskwelahan na pinasukan. Una sa lahat, wala siyang choice dahil nangangatulong ang mama niya. Pangalawa, pinapaaral siya ng amo ng mama niya, kaya laking pasasalamat niya dahil dito. Pero paano kun...