Prologue

11 1 1
                                    

"Gusto niya ako? Seriously, ako?" 

Natawa na lang ako sa tinuran ng bestfriend kong si Lily. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o totoo ba talaga na may gusto sa akin si Max. Si Max 'yun! Tropa ni Evan na binasted ko. Oo na alam ko na ang haba ng hair ko, charot. Pero hindi pa rin ako makapaniwala. She really likes me?

"Ayaw mo maniwala? Sige tara pumunta tayo sa kanya at tanungin natin siya." hinila niya ang braso ko pero hindi ako nagpatinag.

"Parang tanga 'to." asik ko.

"Alam mo ba kung paano niya sinabi sa akin?" tanong nito.

Hindi ako umimik at hinintay siya mag-salita.

"I like your bestfriend." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What?" I blinked a few times.

"Sabi niya 'yan kaninang umaga. Pagpasok ko pa lang sa classroom biruin mo nilapitan niya agad ako para lang sabihin 'yan? Akala ko pa naman ako yung crush niya kasi lapit siya ng lapit sa akin ayun pala dahil gusto niyang mapalapit sa'yo. Ang corny." wika niya na parang nadidiri.

Naguluhan naman ako. "Hindi lang naman ako ang bestfriend mo, ah!" 

"Oo, pero ikaw ang mas nakakasama ko kaya alam ko na ikaw ang tinutukoy niya." inakbayan niya ako at ngumisi naman ng nakakaloka. 

"Whatever, hindi pa rin ako naniniwala." Inaalis ko ang pagkaka-akbay niya sa akin at winasik-wasik ang kamay paitaas.

"Eh, 'di huwag ka maniwala. Tanungin mo kasi siya kung totoo."

Tumango na lang ako bilang sagot kahit ang totoo ay hindi ko naman gagawin talaga. Nakakahiya kaya. Hindi ko naman close yung tao at never pa kami nag-usap!

"Nandyan ba si Levi?" tanong ko sa classmate ng friend ko. Lagi ko kasi 'yon kasabay kapag pauwi kami galing school. Magkalapit lang kasi kami ng bahay.

"Uy, Abby! Kumusta?" bati ng isang demonyo— kutong lupa. Ah basta!

Inirapan ko ito at hindi pinansin. Hindi naman siya ang kinakausap ko, eh. Papansin talaga kahit kailan.

"Uh, umuwi na ata siya kasama yung isang classmate namin." sagot nung pinagtanungan ko.

"Ay ganun ba? Sige, thank you!" ngumiti ako sa kanya at lumabas na ng classroom nila.

"Teka lang, Abby!"

Hindi ko na pinansin yung nagsalita at umalis na. May multo ata doon. Nakakatakot.

Oo nga pala si Levi. Iniwan na naman ako ng lalaki na 'yon. Siguro nakipag-landian na naman. Wala tuloy ako kasama umuwi. Ang hirap pa naman sumakay sa mga tricycle kapag ganitong oras na uwian. Bahala na nga lang. Napaka-choosy kasi ng mga driver ayaw pasakayin yung pasahero kapag mag-isa. Kahit na ang lapit na nga lang ng destinasyon, hindi pa rin nila pasasakayin.

"Ija, saan ka?" may biglang nagtanong sa akin na mama.

"Sa may Valero lang po." sagot ko dito.

"Aba'y tamang-tama malapit lang  sa isang pasahero ko. Halika sakay ka na."

"Sige po," ngumiti ako.

Sinundan ko siya kung nasaan ang tricycle niya ng makita ko kung sino yung nasa loob ay nagulat ako. Nagkatinginan kami at mukhang nagulat ng makita ako. Agad rin niyang iniwas ang tingin sa akin. Sumakay ako at tumabi sa kanya. Si Max nga. It feels awkward lalo na ngayon na nasa tabi ko siya. 

"Dito na lang po ako." sabi ko sa driver ng makita ko na malapit na kami sa bahay. Hindi ko pinapahinto sa tapat ng bahay namin dahil gusto kong maglakad-lakad muna ngayon. Inihinto niya malapit sa may bench at bumaba na ako ng tricycle. Magbabayad na sana ako pero bumaba si Max at siya ang nagbayad sa driver.

"Ako na po magbabayad sa aming dalawa." saad niya na ikinagulat ko. 

"Hala, 'wag na." 

"No, I insist."

Hindi na ako nagsalita at hinayaan siya. Nang makapagbayad ay umalis na ang tricycle at naiwan kami ditong dalawa sa tabi ng bench.

"Hindi mo na dapat ginawa 'yun. Sayang yung pera mo." kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at yumuko.

"Sabi ko naman kanina 'di ba, I insist." 

Tumango-tango na lang ako bilang sagot. 

"Uh, dito ka rin ba nakatira?" tanong ko sa kanya dahil mukhang dito rin pala siya sa Valero.

"Hindi, may sasabihin lang sana ako sa'yo." 

Kumunot naman ang noo ko.

"Sa akin?" turo ko sa sarili ko. 

"Oo, sana."

"Ano ba yun?" medyo kinakabahan na tanong ko. 

"I know this is fast," tinignan niya ako ng mata sa mata. Cooper brown. Sa kulay palang ng mga mata niya nakaka-panlambot na. It's dazzling yet enchanting. I like how hers is focused in just one thing, my eyes.

I mentally shooked my head with the thoughts of mine. Masyado akong naakit sa mga mata niya ng hindi na naproseso ng utak ko kung ano ang mga sunod niyabg sinabi.

"But I like you. And I want to date you."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rainbow and GoodbyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon