Chapter 23

551 11 0
                                    


1 week passed since nakauwi kami galing camping at balik ulit sa dati hindi ko na ulit pinansin pa si Clifford and guess what si Cora todo landi kay clifford kaso hindi naman pinapansin ni clifford

"May sasabihin ako"sabi ni zack

"Ano na naman?"tanong ko

"Can i court you?"tanong niya

Payagan ko ba?

"Yes"sabi ko

"Sure yan ah baka mamaya di mo tanggapin mga ibibigay ko sayo ah"sabi niya

Simula ng magbreak kami ni clifford si zack na ang palagi kong kasama medyo gumaan din loob ko sakanya dahil nag open kami sa isa't isa

Kinwento niya din sa akin na patay na ang parents niya and yun ang dahilan kaya daw nakatakas siya sa pagkakakasal kay cora

Yung parents niya lang daw kasi ang may gusto na ikasal silang dalawa

"Anong iniisip mo?"tanong ni zack

"Kung anong buhay ko after ko mag aral"sabi ko

"Pft I'm sure successful kana non"sabi niya

"I hope so"sabi ko

"Pft tara na nga"sabi niya at pumasok na kami sa school pinagtitinginan pa kami ng nga estudyante

May mga kumakalat nga na kami daw ni zack eh kasi palagi daw kaming magkasama, hindi ko na rin masyadong nakita si Clifford dahil hindi na siya nagagawi sa building namin dahil wala naman na siyang pupuntahan dito bale nakikita ko lang siya kapag break time

Pumasok na kami sa room at bungad na naman ang pagmumukha ni cora kaya inirapan ko siya

"Feeling maganda yang si Cora"

"Oo nga mas matanda naman si dette sakanya"

"Oo nga tsk"

"Ang landi ni cora"

"Sinabi mo pa"

Tsk nagpapaawa effect pa siya akala niya maaawa ako sakanya hell no naiinis ako sakanya dahil nung kakabreak lang namin ni Clifford nilandi niya agad

"Hala anong ginagawa niya dito?"

"Bibisitahin ata si dette"

"OMG baka nagkabalikan na sila"

"Cora!"lumingon ako sa tumawag kay cora na nasa labas

Si clifford

Tumayo si cora at lumapit kay clifford nagulat ako ng bigla silang maghalikan sa tapat pa mismo ng room

"Grabe ang insenstive!"sigaw ni demi kaya tumigil yung dalawa

Hindi, hindi masakit.

"Wag mo ng tignan tsk"sabi ni zack at hinarangan pa ang paningin ko

"Nanggigigil na ako diyan dette sasabunutan ko na yan"sabi ni demi

"Hayaan mo na break naman na kami ni clifford"sabi ko

"Duh! Kahit na noh mga di marunong makiramdam alam na nandito ka diyan pa talaga naghalikan"sabi ni demi

"Hayaan mo na dem"sabi ni zack

"Kaya ikaw zack wag mong sasaktan si dette huh she deserve to be love"sabi ni demi

"Tsk pag naging kami ni dette pangako hindi ko siya sasaktan at hindi ko na siya pakakawalan,siya ang huling babaeng mamahalin ko"sabi ni zack

Alvaro Series 2: The Beautiful SunsetWhere stories live. Discover now