I think I know him. Is that him? Stop imagining Chrisha. Kinurot ko ang sarili ko kasi baka nananaginip lang ako.
Lumabas ang pamilyar na lalaki. Tila parang may sariling isip ang mga paa ko na tumayo at naglakad para sundan sya.
Sinusundan ko sya sa daan. Bigla syang tumigil at may kausap sya sa cellphone nya. Papalapit na ako sa kanya.
"Yes, Sweetheart saan ka na?" Rinig ko na sabi ni kuya
Sweetheart? May bago na sya? Ano ba to? Bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit nararamdaman ko nanaman ang sakit?
"S-sean?" Kinalabit ko sya para makasigurado kung sya ba talaga iyon
Palingon na sya nang biglang may humila sa akin. Sa sobrang sakit ng narinig ko hindi ko na napansin kung sino ang humila sa akin at kung saan kami napunta.
Tulala lang ako at maraming katanungan sa isip. Posibleng si sean ba iyon? Kung sya nga, may bago na ba sya? Bakit ko ba sya sinundan? Bakit bumabalik lahat ng sakit na nadarama ko?
Nang mawala ako sa pagkakatulala, tumingin ako kung sino ba ang humila sa akin. Pagka-tingin ko nagulat ako.
Dylan!?
Bakit hinila nya ako? Nababaliw na ba sya?
"Lalim ng iniisip mo ha." Sabi nya sa akin na parang nag-aalala
Hindi ko sya pinansin. Patayo na ako para lumabas sa cafe ngang pigilan nya ako at pinaupo ulit.
"'Wag ka munang umalis. Mukhang malalim ang iniisip mo, baka may mangyaring masama sayo." sambit nya
"Bakit mo aki hinila?" tanong ko
"Ah-eh k-kasi nakita kita sa kalsada. T-tapos yung lalaki sino ba yun?" utal nyang sabi
Bumalik na naman lahat ng masasakit na ala-ala ko. Ayokong nababanggit sya kasi nasasaktan lang ako. Di ko namalayan tumulo na ang luha ko.
"Why are you crying? May nasabi ba ako?" inabot nya saken ang panyo nya
"Wala, okay lang ako." kinuha ko ang panyo at pinunasan ang luha ko
"No, you're not okay. I can see it in your eyes. Lets go somewhere." tumayo sya at hinila ako.
Sumakay kami sa kotse nya at napunta sa isang rooftop na may magandang view.
"Why are we here?" curious na tanong ko
"Dito ako alging naglalabas ng sama ng loob. Shout all the pain you feel."
"No, i don't want you to see how weak I am." sabi ko na lalakad na paalis
"Just think I'm not here. I know how you feel. Nagmahal din ako Chrisha. Alam ko na nasasaktan ka dahil dun sa lalaki kanina" sabi nya umupo sa sahig
Whenever I hear something about him I feel weak. Di ko na kayang pigilan ang kinikimkim ko, sa tingin ko kailangan ko na itong ilabas.
"Ang tanga tanga ko kasi mahal pa rin kita hanggang ngayon. Kahit gaano kasakit ang pinaramdam mo sa akin, ikaw pa din talaga" sigaw ko at nagsimulang tumulo ang aking mga luha
"Minahal kita, sobrang mahal na mahal pero bakit nagawa mo pa din akong saktan ng ganito? Akala ko mabilis kitang makakalimutan pero bakit hanggang ngayon yakap mo pa din ang gusto kong maramdaman, boses mo pa din ang gusto kong marinig at ngiti mo pa din ang gusto kong makita." Hindi ko na napigil na himagulgol dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Kahit ano man ang gawin ko. Gaano ko man kagusto na kalimutan ka. Nakakatanga kasi ikaw padin ang mahal nitong gago kong puso" sigaw ko na napaupo na.
"Mahal mo talaga eh no?" ani ni Dylan na tumabi sa akin
BINABASA MO ANG
When A Broken Girl Loves Again
RomanceChrisha Samara Montes a highscool student who was broken because of her past boyfriend Sean Harold Navarro, he was her first love. But when Dylan Samuel Hernandez came into her life, she starts to feel happiness once again. Dylan is slowly falling i...