Dawn 1

24 0 0
                                    

Kree's POV

I looked at the clock only to see na 5:30 pa lang ng umaga at mas nauna pa akong magising sa na-set kong alarm which is 6:30 am

I tried to sleep again but to no vail, gising na gising na ang kaluluwa ko

Bumangon na lang ako at isinuot ang aking usual jogging attire, tied my hair to a bun and stormed out

Its been 5 days since I arrived in Golden Crescent

Medyo naninibago pa ako kasi sobrang iba siya sa nakalakhan kung lugar

This place gives off a surreal feeling and a sense of calmness which I needed most

Flashback

They're happily singing along with the car's stereo when the little girl suddenly shouted out of awe

"Mom! Dad! Where are we again? Is this place for real?" sunod sunod na tanong ng batang si Kree na hindi maitago ang saya at pagkamangha sa mukha

Ang pag-aalala sa mukha ng kanyang mga magulang ay napalitan ng tawa at ngiti

"Yes baby, this place is real. And we're in Golden Crescent" nakangiting sabi ng Mommy niya

"That's why dinala ka namin dito baby kasi alam naming magugustuhan mo dito" tuloy ng Dad niya

Nagtinginan ang mag-asawa at kapwa napangiti dahil ganito din ang kanilang reaksyon noong unang tapak nila dito

Sobrang napakaganda ng paligid at mga tanawin na sobrang layo sa makikita mo sa siyudad kung saan sila kasalukuyang nakatira ngayon

"Gusto ko pong tumira dito paglaki ko" sabi ni Kree na may malapad na ngiti

"How about us baby? Iiwan mo kami?" kunwaring naiiyak na sabi ng Mom niya

Kree giggled "Of course kasama kayo ni Dad, Mom. Magkasama tayong tatlo na titira dito" and she kissed both of her parents cheeks

End of Flashback

Sana. Kung sana hindi lang iyon nangyari, masaya sila siguro ngayong naglilibot at nagkukulitan

Hindi ko napansin na napatulala na pala ako at hindi pa ko magigising kung hindi pa ako natabig na siyang naging rason para tumilapon yung tumbler ko

Hindi ko na binigyang pansin yung nakatabig sa'kin at dumiretso na sa tumbler ko para pulutin ito

Naramdaman ko naman yung presensiya nung tao sa likod ko

"Miss, pasensiya ka na ha? Ayos ka lang ba? Meron bang masakit sa'yo?" sabi nung lalaki

Hindi pa rin ako lumilingon at tanging tango na lang ang ginawa at nagsimula ng lumakad

Napatigil ako ng may humigit sa braso ko. Napapikit na lang ako kasi nagsisimula na akong mainis

"Ayos ka lang ba talaga? And by the way, I'm--" Marahas akong tumingin dito at pinutol kung ano man ang sasabihin niya

"Yes and not interested" nagsimula na akong lumakad at iniwang nakatulala dun yung lalaki



3rd Person's POV
Kakatapos lang ng tawag at nagulat na lang siya ng makitang nakatulala ang kaibigan

Tinapik niya ito sa balikat at tinaasan ng kilay

Bigla na lang itong napatalon na animo'y nagising "Dude, I think tinamaan ako" sabay hawak sa dibdib at parang baliw na nakatakas sa mental kung makangiti. Creepy.

Tinalikuran na lang nito ang kaibigan at nagsimula ng maglakad

Hinabol naman nito ng kaibigan at tinanong kung bakit parang hindi ito masaya na nakita niya na ang the one niya

Binigyan lang siya ng blangkong tingin ng kaibigan sabay sabing "Congrats"

Hindi niya mawari kung ngiti o ngiwi ang nabigay niyang tugon sa sinabi ng kaibigan



Kree's POV
Kakagaling ko lang sa University para magpa-enroll sa kursong BS Bio

Yes, simula ng mawala yung mga magulang ko ay natigil na din ako sa pag-aaral kasi kinailangan kong magtrabaho para sa pangaraw-araw ko na pangangailangan at para na rin makaipon sa pangtuition ko

Mabuti na nga lang at nahanap ako ng Atty. nila Mommy kamakailan lang at doon ko din nadiskubre na meron pala silang bahay na nabili dito na nakapangalan sakin

Nagulat at naguilty din si Atty. sa kalagayang kinahantungan ko, ako rin hindi makapaniwala na ang taong pinagkatiwalaan ko ang siyang magiging dahilan kung bakit nawala ang lahat sa akin sa isang iglap

A snap brought me out of my reverie, nandito pala ako ngayon sa cafe at kumukuha ng mga order

Ngumiti ako at tumunghay sa babaeng ngayon ay nakataas na ang kilay "Sorry po, ano nga po ulit ang order niyo?"

"Are you stupid or just plain idiot?"

Ngumiti lang ako ulit at humingi ng paumanhin kasi kasalanan ko naman

"Trish tama na yan" saway ng lalaking kasama niya pala na hindi ko man lang napansin

"1 strawberry shortcake,1 blueberry cheesecake atsaka 2 mochaccino grande" sabi nung lalaki habang nakatingin sa menu

Inulit ko yung order nila at tinanong kung may idadagdag pa sila

Napatingala yung lalaki at gulat yung rumehistro sa mukha niya "Ikaw?"gulat na sabi nito

Tumango lang ako at ngumiti at nagtungo na sa counter


-KyreenM

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon