ALA-ALA

4 0 0
                                    


Naalala ko ang mga araw na tayo'y magkasintahan
Mga araw na pinaintindi mo sa akin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagmamahalan
Ngunit lahat ng iyon ay kailangan nang iwanan
Nakaraang hindi ko na mababalikan

Mga ala alang
Sa tuwing ako'y iyong hinahalikan
Akala ko ito'y pagibig na walang hanggan
Ngunit napag alaman
Na lahat ng bagay ay may katapusan
Sinanay mo akong ikaw ang kaligayahan
Tinuring kitang aking tahanan
Ngunit bakit sinuklian mo ng matinding kalungkutan

Kaya ba ako'y lumayo sayo nang luhaan
Para mahanap ang sariling kalayaan?
Lahat ng oras at pagmamahal ay sayo inilaan
Dahil gusto ko maramdaman mo ang kaligayahan
Ngunit kapalit ng iyong kasiyahan
Ay ako ang nasaktan

Hindi naging madali sa akin na ika'y iwanan
Gabi-gabing lumuluha sa aking unan
Tama pa ba na ikaw ay balikan?
Kung sa dulo alam ko naman na ako'y iyong masasaktan

Pasensya kung hindi na kita kayang ilaban
Mahal pa kita ngunit hindi na makatwiran
Kahit bali-baliktadin ang kaganapan
Ito lang ang nakikita kong paraan
Paraan upang wala nang masaktan

Sa loob ng walong buwan na tayo'y nagmahalan
Ang daming aral na aking natutunan
Isa na doon na lahat ng bagay ay pinaghihirapanh
Ganito naman diba kapag nagmamahalan?
Magsasakripisyo para sainyong kapakanan

Sa mga pagmamahal na aking inilaan
Lahat yon ay totoo at walang halong pag aalinlangan
Sana lahat ng yon ay iyong naramdamank
Dahil ikaw ang nakaraang hindi ko malilimutan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALA-ALAWhere stories live. Discover now