Chapter 2

50 7 1
                                    

Updated : March 1 2021
Edited : June 22 2021

Author's Note: Take Care!! Happy Reading!! God Bless You All.

Chapter 2

"Baka hinahanap ka na sa inyo. Tara na" saka ko pa habang unti-unting inalis ang pagkakadantay ng ulo sa kanyang balikat.



"Akalain mo yun, sakin ka pa naging concern niyan,! Baka nakakalimutan mong malapit lang bahay ko dito, eh ikaw ?" pagtataray ko dito saka tumayo at pinagpag ang pang-upo.




"Kaya ko naman umuwing mag-isa, tsaka isa pa baka pagalitan ka pa sa inyo!" sabi nito habang tumatayo sa pagkakaupo.




"Tss. Oo na po Kuya Calyp. Tara na po!"





Ang gago tinawanan lang ako saka inakbayan at nagsimulang lumakad! Isa pa yan sa  habit niya, ang mang-akbay na kinasanayan ko. It feels good pero delikado. Ayaw kong lumalim ang kung anong nararamdaman ko sa taong ito.




"Masyadong mabigat Calypso Ventura. " tukoy ko sa braso nito.




Agad naman nitong tinanggal at hinarap ako. Nakangiti ang gago!




"Sige ingat ka Bullet! Thanks sa time, sa uulitin! Gusto kong sabay tayong maglunch nextweek :)"


"Gusto mo talaga kong mapaaway Calyp!Kay baklita na lang ako sasabay. "




"Hahahahahaha! Sus! Eh di isama mo, kung gusto mo, ako ang dadayo sa building niyo. Hayaan mo ang mga bashers mo. Hehe gwapo daw kasi bestfriend mo, mamatay sila sa inggit!"





"Hindi ka gwapo babaero ka!" pambabara ko dito.


"Bwisit ka talaga ano? Konting support naman! Kaibigan ba talaga kita?" medyo naiinis sabi nito.




"Blehh. Sige na! Baka andiyan na sina mama at hinahanap ako. Kita kits na lang bukas!"




Tumalikod na'ko dito at naglakad na patungo sa bahay. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko pa itong nagsalita.




"Thank you again my dearest bestfriend"




Itinaas ko lang ang kanang kamay ko bilang tugon dito. Ayaw ko nang humarap pang muli dito at magpaalam dahil nasasaktan talaga ko sa paulit ulit niyang pagsasabi ng kaibigan. Alam ko naman yun simula pa lang pero hanggang kailan ko kakayanin. Minsan iniisip ko na sumugal pero nakakatakot. Sa sobrang bait niya, hindi ko alam kung paano ko pa pakikisamahan ang pagiging inosente at manhid na "KAIBIGAN"! I like him so much at ayaw ko talaga ng pakiramdam na ito! Ano bang gagawin ko? Tss! Bahala na si Kupido! Siguraduhin niyang may magandang kalalabasan ang pagtitiis ko kung hindi naku magtutuos kami!







"Saan ka na naman galing?" bungad ng kapatid kong lalaki pagpasok ka ng bahay.






"Bakit mo inaalam?" pabalang kong sagot dito.







"Nagtatanong ako ng maayos Ate!" paangil nitong sagot






"Sorry Kuya ha. Hindi ko alam na kailangan ko palang sagutin yon! Sa tabing dagat lang ho nagpahangin. Oh ano happy po??" saka inirapan ito at nilampasan.







Under The Moon Clouds (Major Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon