Nakakasilaw ang mga ngiti niya. Hindi ko lubusang maintindihan kung bakit paulit ulit lang siya sinaktan ng mga tao noon. Katulad
ng kanyang pangalan, punong puno ng pag-asa ang kanyang mga mata. Unti unting nagbago iyon nang dahil sa kanya."Mommy, let's go home na. Ninang will get mad at you if di mo inaalagaan ang sarili mo sige ka" Sabi ni Umeki.
Lumingon ako at nginitian ang aking anak. Naaalala ko talaga sa kanyang mukha ang ngiti ng isa sa mga pinaka importanteng babae sa buhay ko.
"Sige na nga, say babye to your ninang na and let's go home" wika ko.
Agad agad naman akong pinuntahan ng aking anak at kinabit sa aking bewang ang kanyang mga braso.
"Babye ninang! Bibisita po ulit kami dito dahil baka masyado nyo po kaming mamiss" Biro ni Umeki. Tumawa ako at kinarga na sya patungo sa kotse.
Kasabay ng pag-andar ng kotse papalayo sa lugar na iyon ay ang mga masasayang alaala natin. Bakit ang daya mo? Ang daya daya mo.
BINABASA MO ANG
Sleeping With Roses
Romance"Kung 20% palang ito ng buhay ko, bakit naman parang ang hirap?"