KABANATA 5:

48 3 0
                                    

Panibagong araw, panibagong kamalasan na naman ang haharapin ko. Ang nangyari kahapon ay mananatiling kahapon. At ang tanging hiling ko lang ngayon ay maging makabuluhan ang maghapon ko at wala akong pesteng makita. Ayoko ng maulit ang nangyari kahapon.

Masama na ako kung masama pero masama bang maghangad ng katahimikan? Tahimik na buhay lang ang kailangan ko wala ng iba.

" Saan ang punta mo? " tanong ni Nanay.

" Doon lang po sa tambayan ko"

"Mag jacket ka at malamig ngayon don"
Ang lamig nga ngayon, wala pang 10 mins ang pagligo ko. Lalong mas malamig sa pupuntahan ko kase puro puno. 

"Sige po" patakbo kung inakyat ang hagdan para kumuha ng jacket sa kwarto ko. Yung paboritong hoodie ang napagpasyahan kong suotin dahil makapal ito at malambot sa katawan. Tingnan na lang natin kung lamigin pa ako nito.

" labas na po ako Nanay"

" bumalik ka agad bago magtanghalian huh"

"Sige po"

Araw-araw ako sa lugar na to simula nong bakasyon at kahapon lang ako hindi nakapunta dito. Isang araw lang yun pero sobrang namiss ko agad dito.

Nagbaon ako ng blanket at inilatag para makahiga ako. Ang sarap sa pakiramdam kapag nakahiga ka sa ilalim ng malaking mangga habang pinagmamasdan ang paghampas ng hangin sa mga dahon.

Pipikit na sana ako ng may marinig akong kaluskos sa kanang bahagi ng kakahuyan.
Sino naman kaya ang nakatambay dito? Meron rin pa lang ibang tao ang nagustuhan ang lugar na ito? Akala ko ako lang ang natambay dito. Hmm Bahala na nga, inaantok na rin ako.

"pst! "

"Oy girl! "

Ano ba? Wala pa atang ilang oras akong nakakatulog may istorbo agad -.-

"Ano ba?! " nakapikit kong tanong.

"hmm ano kasi "

"Ano? " nakapikit ko pa ring tanong. Tinatamad pa akong dumilat hays

"tanghali na kasi "
Pakialam mo naman kung tanghali na?

"oh tapos? " nakapikit at taas kilay kong saad.

"eh kasi baka nagugutom kana? "

O_O tanghali na? Bakit ba ang loading ko lagi. Nakooo napahaba rin pala ang tulog ko. Patay na naman ako ni Nanay nito. Pero hindi pa naman ako nagugutom. Bahala na nga si Batman mamaya. T-teka sino ba 'tong kausap ko?

"Ikaw na naman?! "

Katahimikan lang po ang gusto ko ngayon. Bakit meron na namang peste? Ano ba talaga kailangan nito sakin? Kung bumubuo s'ya ng pederasyon bakit ako iniistorbo n'ya? Mukha ba akong bakla? Buset na yan!

"Ano ba kailangan mo sakin? " nakataas kilay kong tanong.

"Wala naman, dito rin kase ako tumatambay eh and then nakita kita sleeping beauty ampeg"

"Pakialam mo kung natutulog ako? Papaturo kaba kung paano matulog? "

"o-oo sana" pabulong na sabi ng lalaki.

"Ano? "
"

A-ah hindi! Aalokin sana kitang kumain, may baon kase ako "

Ay! Nagpipicnic mag-isa? Baka naman may tent pa to sa likod ng malaking puno na yun, tingnan ko nga mamaya.

"Hindi ako gutom! " Kruuuuu*

Biglang napangisi ang kaharap kong bakla. Ngising aso naman. Makisama ka naman tyan, huwag mo akong ipahiya.

Tumingin syang muli sakin na nakataas ang kilay at nagpipigil ng ngiti.

"Ngiti ngiti mo dyan? Hindi ako gutom! Umalis ka nga! "
" Hindi ako aalis hangga't hindi ka sasalo sakin"

Lakas ng amats nitong bakla na to ah. Feeling close mga tsong!

" Paki ko! Close ba tayo? Kung bubuo ka ng pederasyon hindi ako sasali girl"

" Madami kasi ang dala kong pagkain, akala ko may makakasama ako dito this time"

"Oh tapos? Kasalanan ko bang shunga ka? Alam mong mag-isa ka lang tapos dinamihan mo? Magtawag ka ng unggoy "

" Ah sige. Pero dito na lang ako kakain" epaaal talaga eh

"Ano ka! Doon ka sa tambayan mo"

"Bago pa lang ako dito, boring kapag walang kausap" kasalanan ko pa ngayon? Kairita talaga ang baklang to. 

"sa tingin mo kakausapin kita? "

"Kinakausap mo na nga eh" bulong ulit na sabi ng lalaki.

"Ano yun? " nakataas kilay kong tanong dito

" wala! Sige kakain na ako, hmm ang sarap pa naman ng dala ko " excited nyang sabi. Paki ko? Uuwi na ako pag nagutom na rin naman ako eh.

"Ayaw mo ba talaga? " nakangising tanong nito sakin.

"kulit mo talaga no?" naiinis na sabi ko.

Hindi namamalayan..(ON-GOING) Where stories live. Discover now