Confession

9 3 1
                                    

Confession


Chae's POV


Ngayon ay naandito ako sa bahay ni Mina. Kakagaling lang namin sa school. 


"Gusto mo ba ng makakain, hija?" sabi ng dad ni Mina. Umuwi siya last month kung kailan tapos na 'yong libing ng asawa niya. Masyado siyang busy sa trabaho niya tsaka tinulungan naman niya 'yong ibang relatives ni Mina para sa papeles na inaayos.


"Kahit tubig nalang po." sabi ko at pumunta na siya sa kusina nila. Kabababa lang ni Mina sa hagdan pagkabalik ng dad niya para iabot sa akin 'yong tubig.


"Paano kayo naging magkaibigan ng anak ko?" tanong niya sa akin pagkaupo niya sa sofa sa kahrap ko gano'n na din si Mina. Medyo slang pa siya sa tagalog pero okay lang, naiintindihan ko pa din naman.


"Seatmates po kami. Tsaka hindi naman po mahirap maging kaibigan 'yong anak niyo." sabi ko na medyo kinakabahan. Ngayon lang kasi kami nakapag-usap nang ganito... basta ganito hehehe.


"Sa totoo lang, sobrang laking pasasalamat ko sayo kasi palagi kang dumadalaw dito. May depression kasi ang anak ko. Normal na sa amin ang hindi siya makita sa hapag, sa sala, basta sa labas ng kwarto niya. She's used to be lonely. Medyo busy kasi ako sa work, while her mom is busy sa mga gawain dito sa bahay kaya minsan, hindi na namin siya nababantayan. Good thing is nakilala ka niya." nalulungkot niyang saad. Lumapit sa kanya si Mina at niyakap siya.


"Come on, dad. Its okay for me na magpakabusy kayo ni mom. Inaamin ko na kailangan ko din ng oras na makasama kayo but like what you've said, I am used to be alone so syempre, kinakaya ko din na hindi kayo makita or makausap ni mom." sabi ni Mina at nakita kong may tumulo na butil ng luha sa mata niya. Buti nalang nakayakap ito sa ama kaya hindi ito nakikita ng dad niya. "But I am still accepting second chance to prove yourself to me, dad." dagdag niya na ikinabigla ng dad niya.


"Really?!" nagagalak niyang sabi at bumitaw sa yakap ng anak. Agad tumango si MIna at niyakap ito ng mahigpit ng kanyang ama. "Thank you so much, Mina. I love you."


"I love you, too." medyo alanganin niyang sabi habang nakaharap sa akin. Ningitian ko nalang ito.


Hayst Mina, swerte mo pa din sa dad mo kahit papaano.


Bumitiw na sila sa isa't isa at bumaling ulit sa akin ang dad niya.


"Hija, would you mind if I ask about your parents?" sabi niya na ikinawala ng ngiti ko. Yes, of course. Gusto kong sabihin 'yan pero nakakabastos namann yata. Makapagtitiwalaan naman siguro sila diba?


"No. Ahmm... my mother is with another family while my father is dead." walang ekspresyon kong sabi. Nabigla man sila sa sinabi ko pero agad din silang nakabawi.


"Oh, I'm sorry hija. Saan ka naman nakikituloy ngayon?"


"Sa tita ko po pero next week, aalis din po sila do'n at lilipat na ng bahay." sabi ko. Yup, aalis sila kasi binenta na nila 'yong bahay na tinutuluyan namin ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YoursWhere stories live. Discover now