"Dapat ayusin niyo ng mabuti ang mga bulaklak, ha? Dapat natin mabenta iyan lahat."
Tinulungan ko si Anna sa pagtatapon ng mga tuyong dahon na galing sa paglinis namin kanina sa mga nagkukumpol-kumpol na bulaklak. Minsan ay ini-review ni Anna ang paglilinis ko dahil may maiiwan pang mga tuyong dahon.
Umaga ngayon at nagsimula na ako sa isa kong pinasukan na trabaho. Mabuti talaga ay naikwento ko kay Anna na naghahanap pa ako ng isa pang trabaho. Inirekomenda na.an sa akin ni Anna ang tinatrabaho niya na tiyahin niya lang ang may-ari.
"Ikaw, Sofia. Consider ka muna sa akin ngayon, ha. Hindi pa maayos ang ginagawa mo dahil alam kong unang araw mo pa ngayon." Madam Cora's warned me. Tumango naman ako kaagad at nagpatuloy na sa ginagawa.
Malaki ang shops ni Madam Cora at abala talaga kaming lahat dahil isa ang shops na ito sa kilala ng lahat. Dito o-order ang mga wedding planner. Hindi lamang sila ordinaryong planner, sila din and wedding planner sa mga bigatin na ikakasal. Ang iba ay artista pa.
"Madam Cora, walang available po na driver dahil hindi pa po nakauwi ang limang drivers natin po dahil rin sa malayo ang kanilang idiniliver na lugar." Narinig ko ang sinabi ng isa ka co-worker ko.
"Paano na 'yan? VIP pa naman ang magpapahatid ngayon!" Medyo pa-sigaw na sabi ni Madam Cora. Lumapit ako sa kanila.
"Ahm... Madam, I can drive po." Lumingon silang dalawa sa akin.
"Are you sure? Baka maghihirap kami kapag hindi ma aksidente ka sa daan." Babala sa akin ng babae nga kausap ni Madam Cora.
"No worries po, Madam. 3 years na rin po kasi akong nagmamaneho ng mga sasakyan." Pagsasabi ko ng totoo.
Madam Cora fixed her gazed at me. "Fine. VIP ito kaya ayusin mo ang trabaho mo. I can add your salary kapag maayos ang pag-deliver mo. Ipasama kita sa pamangkin kong si Anna." Tumango naman ako kaagad.
Hindi na mahirap sa akin ang pagmamaneho dahil kabisado ko na lahat. May ganito kasi si Tito sa probinsya nila kaya siya ang nagturo sa akin.
Habang abala ako sa pagmamaneho, abala rin si Anna sa pagtuturo ng way kung saan liliko.
Pareho naman kaming tumingala sa isang malaking kulay gold na gate.
"Omo, Sofia! VIP nga sila!" Tili sa akin ni Anna.
Pinagbuksan na kami ng gate pagkatapos nilang icheck ang dala namin.
Si Anna na ang nagpaliwanag sa planner kung ilan lahat. With details talaga ang sinabi niya na kung ano ang pangalan ng mga bulaklak na iyon at hindi ko inakala na aabot pala ng mahigit PHP200,000 lahat.
Aalis na sana kami ni Anna nang may nagsisigawan sa bandang dulo ng bahay.
"Help! My Lola! Help my Lola!" Sigaw ng isang batang babae sa 'di kalayuan.
"Teka, Sofia!? Saan ka pupunta?" Tanong kaagad sa akin ni Anna nang pinipigilan niya ako.
"Anna, kawawa ang matanda. Baka may maitulong ako." Hindi na ako pinigilan ni Anna dahil buong pwersa kong lumayo sa kaniya.
Nang nakalapit na kami ni Anna ay pinagtitinginan lang sila ng iba.
"Please help my Lola!" Puno na ng luha ang mukha ng batang babae kaya naalala ko ang nakaraan noong nakita ko ang kalagayan ni Mommy noon.
"Ate, please." Bigla akong hinawakan ng bata. "Help my Lola po." Nanlambot ang puso ko sa malamig at nanginginig na kamay ng bata habang nakahawak sa kamay ko.
"Huwag kang mag-alala bata." Ngiti kong sabi at nilapitan ang matanda na hirap ng huminga.
"Ma'am, may masakit po ba sa inyo?" Nawala sa isip ko bigla na isang foreigner pala ang matanda at hindi makaintindi ng tagalog.
BINABASA MO ANG
Sofia But Not The First
RomanceSofia is a living Cinderella. If her life compared to Cinderella, is almost the same but the only one different is Sofia is never been first. Sofia's mother died at a young age. She now lives with his father's second wife. They don't get along and s...