"SIGE, TERSA," sabi ko sa katrabaho habang tinatanggal ko ang apron. Tulad ng lahat ng apron sa maliit na hotel, kulay green ito gaya ng dahon at may maliliit na pulang rosas sa gilid. Briar Inn ang nakasulat sa gitna tapos sa itaas naman nito ang emblem: isang puting rosas na may tila dugo na umaagos sa gilid.
"Huwag mong kalimutan ang mga brochure at ang mga flyers," paalala niya habang nagliligpit ng mga upuan.
"May punto akong sasabihin tungkol diyan..." Mahina kong tugon.
"Alam ko ang puntong iyan, wag mong sabihin--"
"Hindi ko pa natapos ang mga flyers, pasensya talaga. Gagawin ko ang mga 'yun mamayang gabi pero hindi ko matatapos 'yun bukas." Imik ko na nangangamot ng noo. Tinignan ko si Tersa na natapos na sa kanyang ginagawa, tinanggal ng babae ang pantali ng buhok at sinuklay ito gamit ang kamay.Mahaba, tuwid at kulay gabi ang buhok ng niya. Gawi na nitong suklayin ang buhok gamit ang kamay kapag may matinding iniisip. "Wag mo nang masyadong alalahanin, Ter. Tatapusin ko yun,"
Kumuha si Tersa ng isang upuan at umupo dun, "Tutulungan kaya kita?"
Napangiti ako dun, ang hilig talaga ng babaeng itong magpaka-martyr. "Kilala kita, Tersa. Alam kong meron ka pang maraming gagawin tapos may pasok na bukas, mag-aaral ka pa! Kakayanin ko yun," ngumiti rin si Tersa pero hindi nabura ang pag-alala sa mga mata niya.
"Naku, ano na naman ang sasabihin ko kay Sir Santiago tungkol sa mga pinagawa niya sayo. Ako panaman ang mananagot," biro ni Tersa habang tinali niya ulit ang buhok.
"Esus, patay na patay sayo ang tao, hindi yun magagalit. Ngumiti-ngiti ka lang tapos kindatan mo ng mata, mauupos talaga yun," sabay ko. Pumunta ako sa Employee's Station para magpalit. Hinubad ko ang uniform at sinabit sa likod ng isang upuan, tumingin muna ako sa salamin.
Kaharap ko ang isang babaeng nakasimangot, medyo kulot at medyo tuwid ang kanyang buhok--hindi makapagdesisyon kasi ang kanyang buhok kung kukulot ba talaga o tutuwid. Isang malalim na kayumanggi naman ang kamyang mga mata, Ano ba ang binagal-bagal mo diyan, galit na tugon ko sa sarili at nagsimula nang magbihis. Nagtatali na ako ng sapatos nang pumasok si Tersa.
"Mag-ingat ka pauwi, Bree." Paalala niya. Nakatingin siya sa bintana at merong--siguro sa imahenasyon ko 'to, pero-- merong halong takot sa mga salita.
"Diba sabi ko wag ka na masyadong mag-alala, chill lang." Sinundan ko ang paningin ni Tersa at may nakita akong isang grupo ng mga binata na lumalakad palayo. Base sa mga boteng dala-dala nila at sa paraan ng paglalakad, pagtatawa at pagsasalita, mukhang lasing ang mga 'yun.
"Kailangan kong mag-alala kasi sa kamamahal mo sa pamilya mo hindi mo na inaalala ang sarili mo,"
Ngumiti ulit ako, "Hindi ko na kailangang mag-alala naman, eh. Kasi tama na yang pag-aalala mo sa ating dalawa."
Napatawa si Tersa sabay seryosong wika, "Hindi 'to lokolokohan, Bree. Mag-ingat ka kasi maraming masamang loob lalo't ngayon ay gabi na."
"Oo na," tugon ko, binuksan ko na ang pintuan palabas. "Ikaw rin, mag-ingat ka," lumabas ako pero bago kong tuluyang isara ang pintuan, "Baka mahalay ka!"Napatawa muli ako nang marinig kong may natapon sa may pinto. Nagvibrate ang aking cell, may dalawang message...
From: Naynay
Anak, kelan ba ang labas mo ngayon? Mag-ingat ka ha, andito ako ngayon sa ospital. Kung wala pa ako sa bahay pagkauwi mo, mauna ka nang matulog. Kumain ka rin, luv u.
Ang pangalawa naman ay:
From: Arlou
Asan ka ngayon? TB ASAP
BINABASA MO ANG
Falling Skies
Teen FictionFalling. Yes, that explains the adrenaline in my veins and the rush in my ears. Its all her fault though, she started it all. She did this. I wish I could say that I regretted everything but I couldn't. She changed me. God, I'm an idiot! I wish I ch...