KABANATA 13

57 6 0
                                    

~ Ogie

"ahm sir sigurado ka bang kasya tayong lahat dyan sa kotse mo?"

"oo yan pwede namang bumalik e"

peep! peep!

"ate nariyan si kuya robin "

"siya nga po pala sir inimbita ko yung boyfriend ko okay lang po ba?"

"a-a yea no problem"

"o guys yung iba dun na lang sa sasakyan ni kuya niyo robin para dina bumalik si sir " agad nagsilipat ang mga kapatid niya sa sasakyan ng nobyo niya

"ikaw reg sanka?"

"love"

Rinig kong tawag sakanya ng boyfriend niya. Agad siyang lumapit ron nag usap lang sila ng konti saka pinagbuksan niya si regine ng pinto ng sasakyan niya dun na siguro siya kaya naman sinimulan ko ng magmaneho.

Nang makarating kami sa dagat para ba gang nagpapasikat itong nobyo niya sa mga magulang ni regine. Sabi ko bibili na lang ng tent kase malapit lang naman ang mall mula sa dagat pero itong nobyo niya mas maganda raw kapag patpat na lang ang gagamiting pundasyon at tela naman ang gagamitin sa pangbubong syempre hindi na ako umalma pa dun na silang lahat e.

Pagkatapos naming magpatayo ng masisilungan nagkaayaan silang maligo ayoko munang maligo kaya nagpaiwan na lang ako kasama ng tatay ni regina. Napaka ganda ng dagat napaka sarap sigurong mabuhay dito pinagmamasdan ko ang dagat at diko din maiwasang pagmasdan si regine para siyang anghel napaka rilag niya . jesus forgive me on my sin ang mga ngiti niya ang mga ngiti niyang kaya ka talagang paibigin.

sabay sabay silang umahon sa tubig kase nagugutom na daw sila.Para akong bata kung asikasuhin nitong si regine binibigyan ko naman siya ng freedom sa pamilya niya pero napaka tapat niya sa tungkulin niya ayaw niya man lang bitawan kahit saglit

Pagkatapos naming kumain nagpaalam itong si robin kase may aasikasuhin lang daw siya saglit sa opisina nila

"ay wala takot to umitim " panunukso ni regine sakin habang kumakain ng pakwan

"anong takot?" agad kong depensa sa sarili ko hinubad ko ang t-shirt ko saka ang suot kong shorts tanging boxer lang ang natira

"ahm y-un naman pala e " utal niyang sabi " ligo kana dun sir"

"samahan mo ako" pag aaya ko sakanya saka ko siya hinila sa tubig

"nabasa tuloy yung kinakain ko " sumimangot siya saka hinayaan na lang na lumubog sa tubig ang hawak niyang pagkain "alam mo may alaga akong pating dito gusto mo ipalamon kita?"

"sus maniwala tanga " hinila ko siya ng hinila hanggang sa gang balikat na namin ang tubig

"sir tama na malunod tayo dito diko alam lumagoy " saka niya ako hinawakan ng mahigpit sa braso

"laki ka dito tapos dika naman marunong lumangoy"

"e required po ba? Tara na dun hatid moko dun " humihigpit ang kapit niya sa braso ko

"alam mo pwede na akong mamatay "
Tinaasan niya ako ng kilay saka niya ako tinignan ng masama

"boss wag muna walang magpapasahod samin "

"pwede na akong mamatay kase hawak na ako ng anghel "

Hinampas niya lang ako ng malakas saka siya bumitaw para lumangoy papuntang mababaw

Hapon na nang maka uwi kami sa bahay nila regine. Kung kanina bago kami pumunta napaka ingay ng mga kapatid niya at halos di sila maawat ngayon daig pa nila ang namatayan sa sobrang tahimik Marahil napagod ang mga ito kakaswimming Nagpaalam ang mga kapatid at magulang niya sakin para magpahinga.

I FOUND THE REAL JOY IN YOU Where stories live. Discover now