Shot One

71 5 5
                                    

@iwanteverything

"Tik tilaok......tik tilaok......tik-" bago pa tumuloy ang ingay ay pinatay ko na ung alarm. "Ahhhhhh, good mor-" napatigil ako ng mapatingin ako sa calendar.

"Hay, anong good sa morning?!" 

Hay, valentines day na pala ano ba yan! Nakakatamad pumasok.

Pumunta na akong cr at naligo. Pagkatapos nun ay nagluto na ako ng almusal at kumain. At syempre ano pa ba?  Edi pumasok.

Ako nga pala si Jessy Ravelo, 18 yrs old. I'm a second year college sa NSFA University. HRM major. At eto na nga ako papasok na. Naglakad lng ako. From apartment to school, walking distance lng naman. At nagsisisi ako kung bakit ba naglakad pa ako. Nakakainis. Puro lng naman naglalandian tong nakikita ko. Ka-aga aga eh. Most of them are mag syota. Mga nagbibigayan ng flowers at chocolates. Tsss. Di din yan magtatagal! Sorry ha, bitter lng. Nakakainis kasi. Taon taon na lng akong ganito.

Tingin tingin lng pag valentines!

Laging mag-isa pag Valentines!

Laging walang chocolates at flowers pag valentines! Kahit chocolates lng eh.

Kaya hate ko talaga ang Feb. 14. Sino ba kasing nagpauso nyan? Lapit nyo ng sakin ng masapak! Joke^_^v

At eto na nga, gaya ng ina asahan ko maraming vendor dito sa labas ng campus. Mga nagtitinda ng chocolates ang flowers. At syempre patok na patok. Nagkakagulo ung mga girls dito ngayon at bumibili ng flowers and chocolates. Pati nga mga boys eh. Tss, landi! Pumasok na ko ng school bago pa--
"Aray!" Napaupo ako sa sahig. Nabangga kasi ako ng mga talanding babae na to na namimili ng flowers! Grrrr "Ay, sorry po miss" sabi nung isa. Tumayo ako at nagpag pag ng sarili. Saka sinamaan sila ng tingin at pumasok na sa campus. Kaya mo yan Jess, kaya mo yan. One day lng naman yan eh! Hayaan mo sila mag enjoy ngayon bukas ikaw naman. Haha, sweldo mo na bukas. 15 na eh!

Pumasok ako ng room. Ang sakit sa mata. Pulang pula ung room dahil sa mga heart decorations. Pati curtains pula rin! Tsss. Tapos ung mga couples pa dito sa room, nakuuu! P.D.A. langya. Joke lng. Bigayan lng naman sila ng gifts like flowers, chocolates etc. Oo na! Ako na inggit. Bakit kayo ba, hindi ba kayo maiinis sa gonon? Sus. I can't take this! Makalabas na nga lng!

Lalabas na sana ako kaso biglang pumasok ung teacher namin. Tsss badtrip!

"Good, morning class ang Happy Valentines day!" Bati ni ma'am. Anong happy don? Duh!
"Good morning too ma'am. Happy Valentines Day too" bati nila, nanahimik na lng ako.

"Ok class, so because today is Valentines day let's watch a movie here about 'love' and 'forever', so are now ready?" tss. WALANG FOREVER. 

Bakit? totoo naman ah. Walang forever, kasi everything change. Presyo nga ng gasolina nagbabago, tumataas eh. Oh diba? Hindi naman forever ang presyo nun, pustahan tayo isang daan wala pang isang bwan tataas nanaman presyo nun!

Oh, edi walang forever! Get my point?

At nag umpisa na yung movie. 'I'll Love You Till' Forever' ung title. Tss, corny! Teka, ang alam ko HRM ang course ko hindi Com. Arts!

At natapos ung movie na hindi ko naman naintindihan. Tss, it sucks!

Next subject, pinag-bake kami ng cake. At ang theme eh of course, ang walang kamatayang 'valentines day'

Tss. Natapos akong gumawa ng cake. Ang baba ng binigay na grade sakin. Wala daw kasing love kuno sa gawa ko. Wala daw connect sa valentines! Oh eh ano naman!

BitSaVal(Bitter Sa Valentines)[one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon