Entry#1

346 5 0
                                    

" Hindi tayo nagkulang, kusang binago Lang ng tadhana ang ating pagmamahalan"

Hindi ko alam kung paano tayo humantong sa ganito
Ngunit ang tanging naaalala ko ay naglakad ako sa daan papalayo sayo
Daan patungo sa mundong panibago
Na lahat ay bago, pati ang nararamdaman ko para sayo

Alam kong masakit yung ganito,
Pero paano tayo sasaya kung pagsasama natin ay bigla na lang nagbago
Yung dating masaya ay parang bulang naglaho
At ito'y nagdulot ng sakit sa ating mga puso

Nakakabigla na sa isang iglap ay bigla na lang lumihis
Yung daan na tinatahak natin na akala ko ay puro tamis
Dahil ang daang tinatahak natin ngayon,
Ay daan hindi para magkatagpo tayo sa dulo,ngunit daan na papalayo ka saakin at ganoon din ako sayo

Wala naman tayong pagkukulang di ba?
Ginawa naman nating masaya ang isa't isa
Nagmahal lang naman tayo at siguro yon ay sapat na
Ngunit ganon ang akala ko, kasi hindi pala sapat ang ibinigay ko

Naniwala ako na tayo hanggang dulo
Kasi yun 'yong nakikita ko
Masaya ka,masaya ako
Pero bakit naging ganito?

Bawat ngiti hindi na katulad nung una ,na parang hindi na maitiklop ang labi tuwing ngingiti
Yung kilig ay hindi na katulad nung dati na pamumulahan pa ng pisngi
Yung oras na binibigay natin sa isa't isa ay parang kulang na
At ang pagmamahal na ating nararamdaman ay nagiba na

Ang daming nagbago di ba?
Hindi natin inakala,na sa pag lipas ng mga araw, ito pala ay mas lalong lalala
Na bibitaw tayo sa mahigpit na pagkakakapit ng ating mga kamay,
at imumulat na sa realidad ang ating mga mata

Oo,Mahal mo ako, at Mahal din Kita
Pero heto tayo hindi na magkasama
Wala tayong mali at walang nagawang pagkukulang
Ngunit sadyang ang daan ng tadhanang  tinatahak natin ay bigla tayong nilihis....Pabalik sa simula....na ako at ikaw ....ay walang tayo.... Lahat ay bago

Mga Tala at TulaWhere stories live. Discover now