Entry #2

211 2 0
                                    

"Pasensya ka na kung lalayo ako, kailangan ko lang talagang hanapin ang sarili ko..."

Mahal,Paalam...
Salitang huli kong bibitawan
Dahil kailangan ko munang lumisan
Para hanapin ang aking kapayapaan.

Ayoko mang mahiwalay sayo,
Ngunit nahihirapan na ako sa sitwasyong ito,
Gusto ko munang huminga sa napakalawak na espasyo
Dahil hindi ako makahinga ng maayos sa tabi mo

Wag kang masaktan kung aalis ako,
Wala kang kasalanan ,sapagkat desisyon ko ito
Ginusto kong malayo sa tabi mo
At ginusto kong piliin muna ang sarili ko...

Pasensya ka na kung naging duwag ako
Hindi ako malakas tulad ng nakikita mo
Nakangiti man ako sa harap mo,
Sobrang durog naman ako kapag tinatalikuran mo...

Kaya mas pinili ko muna ang sarili ko...
Gusto kong hanapin yung dating ako
Dahil tila nawawala na ako sa sarili ko
Hindi ko malaman ang ipinaglalaban ko

Maghintay ka lang dahil babalik ako
Abutin man ng buwan o taon, tutuparin ko
At sinisigurado kong sa panahong yon... Nahanap ko na ang sarili ko
At sinisigurado kong haharapin ko na ang lahat, Basta magkasama tayo ...

Mga Tala at TulaWhere stories live. Discover now