naging masaya ang nagdaang araw kila andrei at angel,,
para silang bagong kasal sa dalas nilang magpulot gata,, habang nagtatagal lalong tumitindi ang pagmamahal nila sa isat isa,lalo na si angel pinapangarap na nya na sana makasal sila ni andrei,,pero paano mangyayari yun kung madaming balakid, una na ang pagkawala ng memorya ni andrei,at ang panganib sa buhay ng binata,, ayaw naman nya na samantalahin na wala ang memorya nito para makasal sa binata,,di panaman sya ganuon kadesperada,,
nag iisa syang nagmumuni muni ng makarinig ng naggigitara,,
nagulat sya ng makitang kumakanta at naggigitara si andrei,,hinaharana sya nito,, at papanong nalaman nito ang paborito nyang kanta,,
all of me by john legend,,kuhang kuha ni andrei ang tono lalo na ang pagtipa nito sa gitara,, parang inaral,,pero kelan? ni di ito naggigitara,,
nang matapos si andrei maggitara lumapit sya sa dalaga at iniabot ang isang pulumpon ng rosas,,
for you! nagustuhan moh ba ang pagkanta ko?
hmmmm pwede na!
pwede na? pwede lang hindi ba pwedeng pwede! nakangiti nitong sabi sa dalaga,,
ang totoo nabilib ako sayo! marunong ka palang maggitara,,
hindi ko din expect nakita ko tong gitara sa kwarto ni lolo ang sabi nya tinuruan daw nya ako dati maggitara,,so sinubukan ko nakakatuwa kase parang matagal ko na ngang alam magitara,,hahaha
hmmmmm, talaga lang ha! hindi pa ba bumabalik yung memorya moh?
parang ayoko ngang bumalik eh
bakit naman?
ewan, me parte sa isip ko na pag naiisip kung ano ang merun sa nakaraan ko na ikinakakaba ko!
ganun ba?
bakit ba yan ang pinag uusapan natin! bakit di nalang ang naudlot na kasal natin,,
bakit papakasalan moh padin ba ako kahit wala ang memorya moh?
bakit naman hindi,, kahit bumalik pa ang memorya ko alam kong ikaw padin ang gusto kong pakasalan!
hindi tayo nakasiguro dyan,,
bakit may dahilan ba para ayawan kitang pakasalan?
what if meron?
what do you mean?me hindi kaba sinasabi saakin?
tumalikod si angel kay andrei pagkat ayaw nyang makita nito ang pagtulo ng luha nya,,nag ipon sya ng lakas ng loob na sabihin sa binata ang katotohanan,,sa kaluanan din naman malalaman din nito ang lahat,,
naramdaman nya ang pag akap ni andrei sa kanya mula sa likuran,,
kung anu man yang malalaman ko ayoko nang malaman pa!
gusto ko kung anu ang merun saakin ngayon,,kung ano ang merun saatin ngayon,, sana ganun kadin,,
pero mali na maglihim ako sayo!
tuluyan ng kumawala ang takot sa dibdib ni angel,,pakiramdam nya katapusan na ng lahat,,simula na nang kinatatakutan nya,
lalong humigpit ang akap ni andrei sa dalaga,,gusto nyang iparamdam dito na kahit anung mangyari mahal parin nya ito!
sige sabihin moh kung ano yung dapat malaman ko,, makikinig ako,,
huminga ng malalim si angel bagu nagsalita,,nakatalikod padin sya kay andrei pagkat ayaw nyang makita ang magiging reaksyon nito,,
,,im not your fiancé
di na naghintay ng reaksyon pa si angel mula kay andrei, tumakbo na ito papalayo sa binata,,agad syang sumakay sa motor nya at umalis
di naman agad nakapagsalita si andrei sa panghihinyang,,magkakahaling emosyon ang bumalot sa isipan nya,, nang mahimasmasan sya ay wala na sa harap nya ang dalaga,,agad nya itong hinanap nakita nalang nya ito na sakay ng big bike at nagmaneho palabas ng private resort ng lolo nya,,
sa kalituhan di nya malaman kung susundan ba nya ang dalaga,,dahil di nya sigurado kung marunong ba syang magmaneho,,
bahala na! kailangan ko syang maabutan,,
agad na sumakay si andrei sa kotse kahit medyo kabado pinastart nya ang kotse! pinihit ang kambyo,,sa unay paunti unti ang takbo hanggang makasanayan nya ang pagmamaneho,, binilisan nya ang pagmamaneho para maabutan ang dalaga,, swerte naman at di nagtagal ay nakita na nya ang dalaga! matulin ang pagpapatakbo nito! pilit nya hinabol ito,,nang makalapit ay binusinahan nya ang dalaga,,pero ayaw nitong huminto, kahit ilang beses syang bumusina ay di parin sya nito pinansin,, nagdisisyon syang mag over take kya tinodo nya ang silinyador,, ng makatapat sa dalaga ay sinigawan nya ito,,
mag usap tayo please!!!!
pero di man lang sya nilingon ni angel!!
nanatili syang katapat ang motor ng dalaga,, di nya agad napansin ang paparating na sasakyan,, sa pagkabigla ay nawalan siya ng kontrol sa manibela,agad nyang kinabig ang kotse nya
pero sa bilis ng takbo nya di nya nakuha pang kontrolin ang manibela,,bumaligtad ito at lumipad sa ere,, parang pilikula ang mga sumunod na eksena, nagbalik sa ala ala nya ang tagpo kung saan may mga humahabol sa kanyang mga armadong lalaki,, at pagligtas sa kanya ng magandang babae,,naging malinaw kung sino ang nagligtas sa kanya,, at kung sino ang nagdala sa kanya sa hospital,,
naalala na nya,walang iba kung di si angel! ang bodyguard na kinuha para sa kanya ng lolo nya,,at tuluyan ng nawala ang malay nya,,
bibitinin ko muna ha..
abangan po ulit,,
advance happy valentines
BINABASA MO ANG
My girlfriend is my body guard
Romancestorya ni andrei bunsong anak, pero pinagdududahan ng ama pagkat minsang nagloko ang mommy nya, so he decided to live independently,pero dahil kilala ang ama nya at madaming kalaban sa politika,nagpasya ang lolo ni andrei na pabantayan sya kay angel...