♥♥♥

84 4 13
                                    

February 14.

Hearts Day. Ito daw ang araw kung saan nagkalat ang mga mag lovers. Ang mga mall naman ay akala mo may holiday rush. Punuan ang mga sinehan. Marami kang makikita PDA sa mga parks. Ang iba ay nagsisimba muna bago mamasyal. Isa rin ito sa cause traffic sa EDSA dahilan para malate si Michael, officemate ko na also known as Miki. Bitter na nga sya dahil wala sya ka balentino. Lalo pa tuloy syang naging bitter dahil nga late sya ngayon.

“ Lecheng mga lovers yan! Dahil sa kanila nalate ako! Ang dami daming araw sabay sabay sila nagsisipasyalan! ”

Atungal ni Miiki habang nagkakalkal ng mga papeles na kanyang tatrabahuin.

 

“ Akala ko pa naman matatapos maipapasa ko na ang mga ito kay boss bago mag 10am. Gosh! 9:15 na! Bwisit talagang mga lovers yan! ”

“ Hoy baklita ka! Manahimik ka nga dyan! Late ka na nga nagiingay ka pa. saway ni Maila. Isa syang encoder dito sa office.

“ Bruhilda ka! Tigilan mo ako baka sayo ko maibuhos itong inis ko! ”

 

“ Ay nako bitter ka lang kasi wala kang partner. ”

 

“ Whatever  bruha ka!

Nagtawanan na lang kami. Napailing na din ako dahil ang OA din kasi ng pagiging sanhi ng traffic ang Valentines Day. Ganun kadami ang mga magkatipan na nagdidiwang sa araw na ito? Ito lang ba ang araw na pwede silang pumasyal?

“ Kayo ni Jake? Saan ang date nyo? ” tanong sa akin ni Maila

“ Hindi naman uso samin yan.Makikisiksik pa kami sa ibang lovers marami naming araw. ”  sagot ko

“ Huwat? You mean wala kayong Valentines Date na tinatawag? Hindi kayo nagdadate? ”

 

“ Maila, nagdedate kami  pero hindi kami ‘yung tipo na sinicelebrate talaga ang Valentines Day. ” paliwanag ko.

Valentine's Day ( Short Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon