Una

79 5 0
                                    

Minsan ko ng napapansin si Cyrus. Bukod sa gwapo sya at tipo ng mga kababaihan sa campus. Isa siya sa kinaiinisan ko sa classroom. Ewan ko ba naiinis ako di dahil sa taglay niyang kagwapohan na akala mo ay lahat lahat na yata ng babae sa mundo ay patay na patay at pinapangarap sya.

Well, totoo naman na pogi talaga ang mokong na iyon kaso wala sa bokabolaryo ko ang maging isa sa mga nahihibang niyang tagasunod. Naiisip ko pa lamang ang ginagawa ng mga babae para magpapansin sa kanya parang nasusuka na ako.

"Oh? ano na naman bang nangyari sa mukha mo?" - Bungad ni Annie.

Umupo ako sa harap niya tyaka inihampas ng malakas ang mga paa ko.

"Nakakainis talaga yang cyrus na yan!!" bulyaw ko.

Wala akong pakialam kung may nakarinig sa akin, gusto kong sumigaw para malabas lahat ng galit ko.

Napatakip ng tenga si annie kasabay ng pagpikit. Gaya ng lagi niyang ginagawa sa tuwing sumisigaw ako.

Inirapan ko siya.

" Ito naman, nakakapikon oh!" - sabi ko.

Tumawa lang sya na wari bay nanunudyo.

"Eh kasi naman alam ko na ang gagawin mo basta ganyan ang mukha mo hahaha" tugon niya habang nakatawa pa rin.

Bumuntong hininga ako. I always shouted when I'm angry at si annie ang laging nasisigawan ko. Nakakatawa nga kasi kotang kota na niya pag alam niyang nagagalit ako.

"Eh alam mo naman pala eh, ba't ka pa nag tanong." - pag iba ko.

"Wala lang gusto ko lang. Hahaha" - Sabi niya at humalakhak.

I rolled my eyes at kinuha ang libro sa bag ko.

"Alam mo sasha, sabi nila. The more you hate the more you love daw, kaya kung ako sayo wag mo ng i hate yang si cyrus. Hala sge ka baka magkatuloyan pa kayo niyan" - sabi ulit ni annie habang naka ngisi.

YAAKKK. NO WAY!

"Utot mo!" - I replied.

Humalakhak pa rin siya na para bang nasisiraan ng bait.
Napailing ako. Impossible naman tong sinasabi ni annie.
Ako magkakagusto dun? Siya magkakagusto sa akin? Eh for the whole year nga ang gusto lang non pahirapan ako. Tyaka trip niya talagang pikonin ako. Hays! - _____ -

I tried to focus dito sa binabasa ko ng biglang..

"Pok!"

Bigla lang naman may nanbato sa akin. Tumingin kami pareho ni annie sa bagay na binato sa akin. Isang crumple paper ang nasa sahig.

What the?
Tumayo ako at tinignan ang taong nambato.

"Oooppps. Sorry sasha!" -napangiwing sabi ni cyrus.

Nang makita ko ang mukha niya biglang tumaas ang dugo ko pataas sa ulo. Parang gusto kung manlapa ng gwapo. Este ng tao. Bakit ba kasi sa dami dami ng taong makikita ko siya pa rin pala. Nakakainis naman oh!

" Sorry mo yang mukha mo!" - I said.
Nakapamewang ako pagkatapos ay kinuha ang papel na binato niya tyaka binato ko rin pabalik sa kanya ng buong force.

Nagsitinginan lahat ng mga kaklase namin pati si annie ay halatang gulat sa ginawa ko. Eh sino ba namang matutuwa sa ginawa niya aber? una, he put kalat on my bag with those papers na kala mo naman basura ang bag ko. Tapos ito na naman?! Nambabato bigla? pinagtriripan niya ba ako?!

Inirapan ko siya bago umalis, habang lahat sila nakatingin pa rin sa akin.

"A-aaah.. Besh!" - narinig kong sigaw ni annie at sumunod sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAPELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon