Matthew's POV

0 0 0
                                    

Magkaibigan kami ni Casper ever since noong mga nursery kami. Hindi naman nursery, kasi noong 5 years old ako lumipat ako from America tas dito kaya ayun. Hindi ko na alam di ako magaling diyan basta bata pa kami noon.

Nakilala ko siya kasi magkaibigan ang mga parents namin tas gusto nila lumipat sa subdivision na tinitirhan nila para atleast kapag may emergency or something, pwede kami dumalaw sa kanila.

Unang usap namin siguro noong lumipat ako sa school niya which was Ericson International School (Dito parin kami nagaaral kakatamad kasi lumipat). Grabe yung gulat ko noong nakita ko siya parang sa una akala ko hindi siya yun eh pero joke lang siyempre.

Sobrang tahimik ni Casper sa totoo lang ever since the dawn of time. Parang yung "Loner" type siya kasi ang shy niya noon. Pero, infairness ang talino niya sobra hindi ko alam kapag dahil iyon sa Kumon or studious siya talaga, either way sana all matalino, hindi kaso ako ganoon eh.

Ang dami ko naranasan na memories with Casper. Katulad ng unang beses ko siya narinig sumigaw na malakas, yung mga birthday na cinecelebrate namin magkasama, maglalaro ng video games kapag pumunta ako sa bahay niya, at marami pa.

Nagpasalamat ako na binigyan ako ng kaibigan katulad ni Casper. Alam ko naman na may times na hindi niya ako inaattendan kasi may part time job siya sa coffee shop ng nanay niya pero nakikinig siya sa akin kapag may problema ako o kaya kapag may gusto ako i rant. Human diary ko siya kumbaga, alam na niya ang lahat ng pinagdaanan ko na hindi alam ng pamilya ko. Hindi siya yung tipo na tao na ang dami niyang sasabihin kapag nagsasalita siya. He's more of a listener and I appreciate that very much.

I don't think I can't find a friend like Casper. He's irreplaceable.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In time again (minsung au)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon