Funny story ng lalaking "Broken HearteD"

70 0 0
                                    

Nakatakda ang araw na 'yon para

sa date namin ng

girlfiend kong si Maji. Pero tumawag s'ya sa 'kin at

sinabing cancel muna ang date dahil sasamahan

niya daw

ang kanyang tita sa isang importanteng lakad.

Sabi ko okay lang,

naintindihan ko. Subalit dahil wala akong magawa

sa bahay at talagang

bored ako noon, ako na lang ang pumunta sa mall

at nanood ng sine

mag-isa. Libang na libang ako sa paggagala sa

mall, di ko alam na iyon

na

pala ang katapusan ng mundo.

Pagpasok ko sa entrada ng sinehan, nagulat ako

sa nakita sa may snack

bar. Si Maji! At may kasama siya--hindi ang

kanyang tita--kundi isang

lalaki. Nakaakbay pa ito sa kanya. Shocked ako

pero ganunpaman, gusto

kong ipaalam sa kanya na nandoon ako at nahuli

ko siya. Pero di man

lamang s'ya nagulat nang makita ako. Relaxed

s'ya at nakangiti pang

sinabi sa 'kin: "Tapos na ang lahat sa atin." "Ha?"

Di na 'ko

nakapagsalita.

Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong sapakin

ang lalaki. Gusto kong

umiyak.

Pero kinimkim ko ang lahat ng aking naramdaman

at sinabing "Wala akong

magagawa...basta kung saan ka masaya.."

Tumalikod ako agad at pumasok sa loob ng

sinehan. Doon ko ibinuhos

ang lahat ng pinigilan kong lumabas sa aking mga

mata. Komedi ang palabas at nagtatawanan ang

mga tao sa paligid

ko ngunit ako nama'y abala sa pagdadrama sa

aking kinauupuan.

Natapos ang pelikula na di ko naintindihan ang

istorya. Wala ako sa

sarili hanggang sa pag-uwi ko sa boarding house.

Kinabukasan, nagdesisyon akong umuwi sa

probinsiya namin upang

makalimot. Mataas ang araw noon at mainit ang

biyahe, pero wala pa

ring tigil ang ulan at bagyo sa aking mga mata.

Mabigat pa sa aking mga bagahe ang dinadala ko

sa aking

dibdib. Kahit na wala pa kaming isang taon ni Maji,

masakit pa rin sa

'kin ang

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Funny story ng lalaking "Broken HearteD"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon