Nakatakda ang araw na 'yon para
sa date namin ng
girlfiend kong si Maji. Pero tumawag s'ya sa 'kin at
sinabing cancel muna ang date dahil sasamahan
niya daw
ang kanyang tita sa isang importanteng lakad.
Sabi ko okay lang,
naintindihan ko. Subalit dahil wala akong magawa
sa bahay at talagang
bored ako noon, ako na lang ang pumunta sa mall
at nanood ng sine
mag-isa. Libang na libang ako sa paggagala sa
mall, di ko alam na iyon
na
pala ang katapusan ng mundo.
Pagpasok ko sa entrada ng sinehan, nagulat ako
sa nakita sa may snack
bar. Si Maji! At may kasama siya--hindi ang
kanyang tita--kundi isang
lalaki. Nakaakbay pa ito sa kanya. Shocked ako
pero ganunpaman, gusto
kong ipaalam sa kanya na nandoon ako at nahuli
ko siya. Pero di man
lamang s'ya nagulat nang makita ako. Relaxed
s'ya at nakangiti pang
sinabi sa 'kin: "Tapos na ang lahat sa atin." "Ha?"
Di na 'ko
nakapagsalita.
Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong sapakin
ang lalaki. Gusto kong
umiyak.
Pero kinimkim ko ang lahat ng aking naramdaman
at sinabing "Wala akong
magagawa...basta kung saan ka masaya.."
Tumalikod ako agad at pumasok sa loob ng
sinehan. Doon ko ibinuhos
ang lahat ng pinigilan kong lumabas sa aking mga
mata. Komedi ang palabas at nagtatawanan ang
mga tao sa paligid
ko ngunit ako nama'y abala sa pagdadrama sa
aking kinauupuan.
Natapos ang pelikula na di ko naintindihan ang
istorya. Wala ako sa
sarili hanggang sa pag-uwi ko sa boarding house.
Kinabukasan, nagdesisyon akong umuwi sa
probinsiya namin upang
makalimot. Mataas ang araw noon at mainit ang
biyahe, pero wala pa
ring tigil ang ulan at bagyo sa aking mga mata.
Mabigat pa sa aking mga bagahe ang dinadala ko
sa aking
dibdib. Kahit na wala pa kaming isang taon ni Maji,
masakit pa rin sa
'kin ang