When I Met You Again

445 16 0
                                    

When I Met You Again

Ako si Julie Anne San Jose. Inlove sa lalaking tinusukan ata ng sampung anaesthesia. Gustong gusto ko kapag nandiyan siya. Masaya ako pag masaya siya. Lahat nalang ata. Pangarap ko ang mapasakin siya. Pero paano? Kung inlove naman siya sa kapatid ko? Ouch lang.

Seryoso ako’ng nagbabasa ng libro dito sa ilalim ng puno sa labas ng classroom namin. The book is entitled, ‘When I met you again’. Wala kasi si Prof kaya naisipan ko’ng tumambay dito, bukod sa presko, walang masyadong taong dumadaan dito.

“Hi Miss Book Worm!” Napa hawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Tinignan ko yung tumawag sa’kin at hinampas ko siya sa braso.

“Ano ba, Elmo! Nakaka gulat ka” Pairap ko’ng sabi sa kanya.

“Ikaw naman kasi, ang seryoso mo” He said at umupo sa tabi ko.

“Hep hep. Doon ka nga. I wanna be alone”

“Sus, edi isipin mo wala ako dito” Sabi niya at humiga pa sa lap ko.

“Tss. Sige na kasi. Alis ka muna dito” At pilit ko’ng itayo siya pero matigas siya. I really hate when he do this.

“Ayoko nga. Julie naman, parang sira. Alam ko’ng school niyo ‘to pero siguro naman hindi ako bawal dito kasi kasama ‘to sa binabayaran ko—“ Dali dali ko’ng tinakpan ang bibig ko. Baka kasi may maka rinig. Ayaw na ayaw ko’ng malaman nila na anak ako ng may ari ng school na’to. Baka sabihin nila fame whore ako.

“Oo na, oo na. You can stay. Peste ka talaga, ibubunyag mo pa e” Tawa lang ang sinagot niya. Inirapan ko siya at nag simula ulit mag basa.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng maramdaman ko’ng nilalaro ni Elmo yung dulo ng buhok ko. “Juls?” Tawag niya.

“Yeah?”

“Help me” Binaba ko yung libro at tumingin sa kanya.

“Saan naman?”

“Sa ate mo. Hindi ko alam kung paano nangyari pero, nagising nalang ako isang araw, mahal ko na siya” Napa taas ako ng kilay dahil sa sinabi niya.

“Dude, she’s a man hater”

“Kaya nga tulungan mo ako eh. Tulungan mo ko’ng buksan yung puso niya, Sige na, Juls”

Sandali ako’ng nag isip. “Oo na. Sige na”

“Yes!!!”

……

Lumipas ang mga oras, araw, linggo, hanggang sa naging buwan… Lagi kaming magka sama ni Elmo dahil nga sa tinutulungan ko siya sa Ate ko. Pero bakit ganun? May iba ako’ng nararamdaman kapag kasama ko siya? At parang… parang nasasaktan ako sa twing naiisip ko na si Ate ang mahal niya?

One by One (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon