A Tale of Love

95 1 1
                                    

               Ito na naman, ang pakiramdam na ginaganahan akong pumasok sa eskwela ng dahil sa kanya, ang dahilan kung bakit laging masaya ang umaga ko na kahit na nakaw-tingin lang ako sa kanya. Hindi ko naiintindihan 'tong nararamdaman ko. Misan nga e, nahuhuli ko siyang tumitingin sa'kin pero pa'no kung hindi pala ako yun? niloloko ko lang ang sarili ko.

"Huy! anyare sayo?! lumilipad na naman 'yang isip mo, kanino ba lumilipad yan?"

"Ha?! WALA.... ang tagal mo kasi eh, male-late na tayo..."

             Ako nga pala si Aya, isa akong nursing student. Ako yung babaeng laki lang sa bahay at walang kamalay-malay sa outside world. Kaya ko nang mabuhay kahit itlog,hotdog,sardinas at pasit cantoon lang ang nakakain ko, TV., Computer & Internet at syempre dalawa haggang limang kaibigan lang pwede na, hindi naman ako friendly eh. Simple lang naman ang buhay ko, walang gulo, walang problema.

                    Nang makalipas ng apat na buwan ay Second Semester na.Nalate na kami ni Shey ng pumasok sa room pero wala pa naman ang Prof.. Si Shey ang unang pumasok. nang pumasok na ako, tumingin ang lahat sa'kin.

"Late na kayo ah...."

"Oo nga eh."

"GOOD MORNING CLASS!"

"YEY! SI MA'AM RHIA PARIN!"

                   Natuwa ang lahat nang malaman nila na si Ma'am Rhia ulit ang magiging professor nila.

"Wait, teka lang. Wag kayong magpakasaya. May partner ako na magtuturo din sa inyo at sinasabi ko sa inyo, hindi kayo matutuwa kapag nakita niyo siya."

"HALAAAA....! NO WAY..!"

                     First day pa lang ng pasukan ay pinag grupo kaagad kami ng mga bago kong kaklase. Sayang nga lang na hindi kami naging magkagrupo ni Shey pero naging magkagrupo naman kami ni Harry. Ang crush ko simula pa nung First Sem. at sa'n ka pa, magkatabi pa kami ng upuan. Kinakabahan na naman ako at hindi ko kayang lumingon sa kanya. Si Harry ang ginawang leader ng grupo namin, kaya wala akong choice na pansinin siya dahil siya ang unang kumausap sa'kin.

 "Ate, pasulat na lang po yung pangalang at contact number at kailangan sa monday may 1x1 ID picture ka na po..."

"Ok po..."

                       Grabe!, kinakabahan at sinabayan pa ng sakit sa tiyan nang saglit niya akong kinausap. Nag daan ang maraming linggo ay lalong lumalala ang nararamdam ko para kay Harry. Hindi katulad dati na magkahiwalay pa kami ng section, dun pasilip-silip lang ako, sumasaya na ang araw ko. Hindi katulad ngayon na araw-araw ko na siyang nakikita at para sa'kin mahirap yun. Araw-araw akong kakabahan kapag nakikita ko siya, araw-araw akong nawawala sa sarili ko. Ayoko ang ganitong pakiramdam pero hindi ko man aminin sa sarili ko na gustong-gusto ko 'to kahit na mabaliw pa ako.

                          Isang araw ay kinausap ako ni Kuya Jed, ang kuya namin sa buong klase.

"Aya, pwede ka bang isali sa banda?, ikaw vocalist"

"Ha? no..! ayoko..."

"Ha?! bakit? sayang naman 'yang talent mo. Ang galing-galing mo kayang kumanta. ayaw mo bang i-share yun sa iba?"

"Ayoko, mahiyain kasi ako eh. hindi ko alam kung kaya ko."

"Kami bahala sayo. halika, ipapakilala kita sa kanila..."

"HALA.. ayoko....."     

"Guys, si Aya nga pala, lead vocalist natin"

                               Nginitian ko lang sila...

A Tale of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon