5

5 1 0
                                    


---

FAILED ATTEMPTS

Ever since Ashley saw Zach, her past hunted her down the reason she can't sleep peacefully at night.

Lauren keeps worrying about her as she is aware of what kind of past Ashley had with that guy.

"I just can't believe that guy was the guy behind your seat. Shit lang!" naiinis na saad ni Lauren.

Naglalakad na sila papunta sa field since vacant sila ng makasalubong nila ang tatlo dahilan para matigilan lalo si Ashley.

"Can't this day get any worse?" mahinang bulong ni Lauren dahil nakasalubong nila sila Lorenz, Andrei at Zach.

Nilampasan lang ni Zach si Ashley dahilan para magalit si Lauren at akmang sisigawan na ito pero pinigilan sya ni Ashley.

"Seriously?!" Hindi makapaniwalang saad nito sa kanya. "I'll talk to him, please?" she pleaded to Lauren. Napahilot nalang ito sa sentido nya. "Fine, go" sabi nito.

Tumango naman si Ashley at sinundan si Zach. Nilapitan naman ng dalawa si Lauren.

"What's with your friend?" Tanong ni Lorenz sa kanya.

"Unfortunately, what a small world for my friend that her hideous past is just behind her back all this time" makahulugang saad ni Lauren at napagpasyahang sumama nalang sa pupuntahan ng dalawa.

Samantalang si Ashley ay nagmamadaling maglakad para masundan kung saan pumunta si Zach.

Bawat hakbang nya ay binabalot sya ng sobrang kaba at takot na masaktang muli pero may gusto syang malaman matagal na, at sana naman masagot na iyon dahil hindi sya pinapatahimik ng sarili nya sa tanong na bakit.

Saglit itong tumigil at nagpalinga linga, napansin nya naman na papuntang court si Zach kaya binilisan nya ang takbo at nang maabutan niya ito ay agad nyang hinawakan ang wrist nito dahilan para mapatigil si Zach sa paglalakad at hinarap ito.

Napabitaw naman si Ashley nang humarap ito sa kanya. She looked at him, but all she can see is nothing but those icy cold stares like what she saw the last time they saw each other.

"What?" Malamig na tanong nito sa kanya.

"U-Uhm... H-How have you been?" hindi nya mapigilang hindi mautal sa kabang nararamdaman nya.

"Fine" tipid na sagot nito.

Napatango na lamang si Ashley at nilaro ang daliri nya.

"It's been years... can you t-tell me the reason n-now?" lakas loob nyang tanong muli kay Zach at tumingin sa mga mata nito.

"Like what I told you before, it's nothing can't you let that sink in your mind?" malamig ang bawat pagsambit nya dahilan para masaktang muli si Ashley.

Mapakla naman syang napangiti.

"I-I doubt there's no r-reason. Please just tell me!" pilit nitong tanong.

Napapikit naman si Zach at naiinis na nagbitaw ng salita.

"Can't you just stop? You look like a desperate woman here and I don't even know you" pagkakasabi nya nito ay agad itong tumalikod at umalis.

Napayuko nalang si Ashley at doon nagpatakan ang mga luha nyang kanina pa niyang pinipigilan na huwag bumagsak.

Nanghihina ito, sobrang nasasaktan, ang muling sugat ng kanyang puso noong araw na iyon na akala niyang naghilom na ay muling nanumbalik at sa ngayon doble dobleng sakit ang tila binabara sa puso nya.

DEAR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon