Bago sumapit ang eighteen birthday ni Brianna ay natuklasan niya ang totoong pagkatao niya. She's not a real Brianna Cassano. Hindi siya totoong parte ng isa sa pinakamayamang angkan sa lipunan. Her wealth, luxury life, branded clothes... are not really for her.
Brad and Annabelle Cassano was not her legitimate parents either. Even, Braxton Cassano was not her real brother. Ang kapatid niya na paborito niyang asarin kaya palaging inis sa kaniya.
The night before her debut, bukod sa kaniyang ama at ina ay wala ng iba pang nakakaalam ng tungkol sa natuklasan niya. At para itama ang isang bagay, ibinigay na niya ang spotlight sa totoong anak ng mga ito na lingid sa kaalaman ng lahat.
Sa halip na siya ang mag-celebrate ng engrandeng debut, ang totoong Brianna Cassano na ang nagpakita sa party na ikinagulat din ng mga nakakakilala sa kaniya.
At dahil hindi niya kayang magpaalam sa kaniyang kinilalang pamilya ng personal, nag-iwan lang siya ng sulat ng pasasalamat at pamamaalam sa mga ito. Sinabi rin niya sa sulat na huwag na siyang hahanapin pa kung sakali man dahil gusto niyang mamuhay kung saan talaga siya nararapat...