Day and Night

2.7K 75 80
                                    

Kahit na buong araw ay parang parehong pareho ang itinerary ng mga grupo nila, napansin ni Alexander na hindi man lang sya pinapansin ni Alexandra. Busy ito sa mga group activities nilang magkakaibigan. Mukha namang masaya si Alexandra, laging nakikipagtawanan sa mga kaibigan nya. In fairness naman, napansin din ni Alexander na kahit may mga lalaking lumalapit sa grupo nila, hindi naman din pinapansin ni Alexadra ang mga ito. Polite naman ito, pero hindi sya nakikipag usap sa mga nagpapakilala. Nang maghapon na ay nagpasya ang grupo ni Alexandra na tapos na sila mag water activities at magpapamasahe na sa hotel nila. Kahit na laging nakahawak sa kanya si Eden ay hindi nya matanggal ang mga mata nya kay Alexandra. She puzzled him; she was so cold to him in public, but in the confines of his room, she was hot and responsive. He couldn't figure her out, but the more she ignored him, the more he wanted to figure her out. It's not every day na hindi sya pinapansin ng isang babae at na-challenge sya kay Alexandra.

The massage was welcomed by all four women. Napagod sila sa banana boat at sa zorbing at sa ziplining na ginawa nila earlier in the day. Nag enjoy naman ng sobra si Alexandra dahil nakalimutan nya lahat ng problemang naghihintay sa kanya sa Manila. She felt free while she was doing some adventurous activities; she had Denise to thank for making her enjoy her life and do things she hadn't done before. Natulungan din syang magrelax ng kanilang massage. Sabi nung masseuse na marami syang knots sa kanyang batok at likod which was definitely from stress. After the massage ay medyo nabawasan nga ang stress nya. Her muscles felt looser and less tense. The women decided to take it easy and just have a nice dinner and listen to some live music on the beach afterwards.

"Uy, Racquel, napansin ko na tingin ng tingin sa yo si Paul kanina," sabi ni Mary sa kanyang kaibigan.

"Ay alam na alam ko yan!" humagikgik si Racquel. "Naiilang na nga ako minsan eh, kasi nararamdaman ko ang mga titig nya," kinikilig na sabi nya.

"Kaya naman pala insecure ang babaeng kasama nya! Kasama nga, pero iba ang gustong kasama," nanggatong na rin si Denise.

"Ano ba kayo!" kinikilig na sabi ulit ni Racquel and tucked her hair behind her ears. "Grabe na yan! Anong masasabi mo, Alex?"

"Ako? Opinion ko? Wala," Alexandra shrugged.

"Come on, A, kahit katuwaan lang. Alam kong bitter ka sa mga boys..."

Pinandilatan ni Denise si Racquel para tumigil na ito sa pagsasalita. "Racq..."

"What? Bawal ang KJ," Racquel rolled her eyes and drank her vodka cranberry.

"Sorry, Alex," Denise mouthed to her best friend.

"Opinion ko? Be careful, yun lang. Especially sa mga tipo ng Paul na yan na parang gustong mamangka sa dalawang ilog."

"Alex..." Denise began.

"It's okay, Denise," Alexandra nodded at her friend.

"Racquel, hindi ako bitter. Sana nga mahanap mo ang lalaking para sa yo. Sincere wish ko yan para sa yo, pero sana naman quality guy ang hanapin mo. A man who is worth your time and your love. You're worth being more than someone's vacation fling." She bit her lip and felt instantly bad about herself. Ang lakas ng loob nyang sabihin yun kay Racquel pero ano ang ginawa nya? The very thing she adviced her friend about! Parang sumikip ang dibdib nya sa realization na iyon.

Tumayo si Racquel at lumapit kay Alexandra. Lumuhod sya sa harap nito at hinawakan ang mga kamay ni Alexandra na nakasalikop sa kanyang lap. "I'm sorry, Alex. Really. Alam ko naman na may pinagdadaanan ka...I didn't mean to push you."

"I'm sorry din, Racquel. I'm sorry din, Denise. It always comes back to be about me. Sana hindi na lang ako sumama..."

"No," Denise said. "This trip is supposed to bond us as friends. And that's what we're doing. Yes, it should be all about me, pero don't think na we don't want you here, A. We love you."

Allie & Xander #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon