PROLOGUE

6 0 0
                                    

Farewell Sunshine

By: Chan-se

PROLOGUE

Bunga ng maling pag-iibigan nina Conrad Parker at Eunice Kang ang kambal na sina Jared at Jaxel, ano man ang mangyari ay anak pa rin ni Conrad ang kambal, Si Hazel Parker ang asawa ni Conrad pero may anak din ito sa labas kaya naman patas na sila at ang kambal ni Conrad kay Eunice ang totoong Parker...Pumayag ang Mommy ni Conrad na kunin ang kambal ngunit di kasama si Eunice, ayaw man ni Eunice ay wala itong magagawa dahil makapangyarihan ang pamilya nila Conrad sa sobrang yaman nito ay halos lahat ay possible sa pamilya ng mga Parker...

Walang laban ang mahirap lang na si Eunice, hiniling ni Eunice na kahit isa man lang sa kambal ang nasa kanya pero iisa lang ang sagot ng mga Parker kay Eunice "Walang kinabuksan sayo ang kahit sino sa kambal" matigas na sagot ni Chairwoman Risa Parker na nanay ni Conrad..

Tanging pag-iyak nalang ang nagawa ni Eunice nung nilayo sa kanya ang kambal nya... sa Mansyon ng mga Parker nung gabing inuwi ang kambal ay sinalubong ito ni Hazel

"Sino po ang mga batang yan?" takang tanong ni Hazel

"Mga totoong anak ni Conrad, ikaw ang mag aalaga sa mga ito at kailangan ituring ka nilang totoong nanay nila bilang kabayaran sa pagpapatira ko ditto kay Ethan" paliwanag ni Risa at umalis na iniwan ang kambal kay Hazel

Aayaw pa sana si Hazel pero wala rin itong ibang choice kundi ang sundin si Chairwoman...

Makalipas ang pitong taon nahulog na rin ang loob ni Hazel sa kambal, isang araw, habang naglalaro sa may playground sina Jared, Jaxel at Ethan....

"Ethan? Asan ang isa sa kambal?" tanong ni Hazel sa sampong taong gulang na si Ethan

"Umm..andun—Jared? Si Jaxel asan? Diba naglalaro lang kayo sa slides?" taka ni Ethan

"Kinuha sya nung ale ang sabi may surprise daw si Dad sa kanya kaya kinuha nya si Jax" sagot ni Jared

Nataranta na si Hazel dahil hinanap na nila si Jaxel sa buong sulok ng Playground at buong Mansyon pero wala silang nakitang Jaxel...

Dumating din kay Conrad at Chairwoman ang balita kaya agad na nag utos si Conrad sa mga security nila na hanapin si Jaxel sa buong suburbs...

"President namataan namin si Ms. Eunice sakay ng isang kotse at kasama si Young master Jaxel hinahabol na namin sila" tawag ng isa sa mga security

"What?! Si Eunice?! Okay, don't hurt her make sure safe silang dalawa ng anak ko" utos ni Conrad sa mga tao nya

Nagmaneho si Eunice sa dakong Deadend na at sa sobrang tulin ng takbo nila ay di kinaya ng break ng kotse kaya naman deretsong nahulog sa tubig dagat ang mag ina ni Conrad..

Three weeks later...sa unang araw ng paghahanap sa dalawa ay si Eunice lang ang natagpuan nila

"C-Conrad?! Si-si Jaxel?!" agad na bulalas ni Eunice kay Conrad

"You killed him Eunice" sagot ni Conrad

"No! hindi totoo yan! Ipahanap nyo pa sya please!" pagmamakaawa ni Eunice

"It's been Three weeks Eunice! Tingin mo buhay pa sya?! Hah?!" sigaw ni Conrad kay Eunice

"No, no! please Find him!" umiiyak na sabi ni Eunice kay Conrad

Farewell SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon