My Last Minute

196 13 4
                                    

Naalala ko pa yung huling minuto ng buhay ko. Yung minutong halos hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Yung minutong pinakatraydor sa lahat.

Naalala ko pa yun.

"Sus! Crush mo lang ako. Uyyy. Crush niya ako!" pang-aasar mo sa akin nung nakita mong nangangamatis ang mukha ko nung makita kitang naka-ayos nung JS Prom.

Hindi ka kasi naniwala sa palusot kong nasobrahan lang ng lagay ng blush-on yung baklang nagayos sakin sa pisngi ko.

Halos buong gabi nun 'di mo ako tinantanan.

Syempre kinilig naman ako. Eh kasi naman matagal na akong may gusto sa'yo. Kakakita ko palang sa'yo nung kumanta ka sa program nung school tumibok na agad yung puso ko. Kasi naman. Ang gwapo mo.

Matangkad. Maputi. Chinito. Magaling pa kumanta. Eh sino ba naman ang hindi sayo kikiligin? Kahit pa yung pinakamanhid na tao sa buong mundo kikiligin pag nakita ka lalo na sa ganitong sitwasyon.

Kaya nga sobra kong saya nung naging kaklase kita. At naging seatmate pa kita! Mabuti na lang Yu ang apelyido mo at ako naman eh Valencia. Eh wala naman masyadong tao ang may apelyidong V, W, X at Y, kaya magkatabi tayo.

At nung nakatabi kita, mas nakilala kita.

Madaldal ka pala. Ang dami mong kwento. Palibhasa katabi mo ako, kaya naman naging close tayo. Ang saya ko nun.

Or so I thought.

Naging close tayo, pero sa sobrang close natin, ako ang naging laman ng bawat tsismis sa eskwelahan natin. Pero hindi 'yun.

Mas masakit ang sunod na nangyari.

Isang araw nakita mo ako sa may corridor malapit sa may locker room. Tumakbo ka papunta sa akin.

"Come," diretso mong sabi sa akin.

Nalilito pa rin ako nun pero sumama ako sa'yo.

"You see, I like Olivia. Pero masyado siyang mailap sa mga lalaki. Babae lang at bakla ang nilalapitan nun. Could you set up a date for me and Olivia?" agad mong sabi nung makarating tayo sa garden.

Parang biglang may sumabog na granada sa puso ko nung marinig ko ang mga katagang iyon.

Ang babaeng tinutukoy niya ay si Olivia. Ang babaeng perpekto. Maganda. Matalino. Mabait. Nasa kanya na ang lahat. Sino nga ba naman ang hindi maiin-love sa babaeng yun?

Pero wala eh. Natagpuan ko na lang ang sarili kong naka-set na ng date ninyo. Hindi ko alam kung bakit ganun kita kamahal. Ang sakit. Parang ginigiling ang puso ko sa loob.

At habang pauwi ako, nahimatay ako.

"Alam mo naman na hindi niya kayang mabuhay ng normal! Pero nagpumilit ka pa rin. Mr. Valencia, alam ko naman na gusto mong iparanas sa anak mo ang ordinaryong buhay. Pero mas maaga nating matanggap ito, mas malaki ang tyansa na mas hahaba pa ang buhay niya," narinig kong sabi nung family doctor namin kay papa nung magising ako.

May sakit kasi ako. Congenital heart disease. Nangang-asul daw ako nung ipinanganak ako.

Inatake na naman ako at halos hindi ako makahinga.

At nagising na lang ako na nasa ospital na ako. At nakita ko ang mukha mo na nasa harapan ko.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa'yo.

"Masama bang magalala sa bestfriend ko?" sagot mo naman.

Hindi na lang ako umimik.

"Nga pala, kami na ni Olivia! The best ka talaga!" sabi mo sa akin.

Nadurog na naman ang puso ko.

Biglang may pumasok na babaeng pagkaganda.  Si Olivia.

"Babe! Sorry nahuli ako. Traffic sa may C5 eh. Anyways, Rica, okay ka lang ba? Lahat kami nagalala sa'yo," sabi ni Olivia.

Hindi ko mapigilang mapa-iyak. Ang tanga-tanga ko.

"Oh? Rica? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" tanong mo sa akin noon.

"Ah! W-wala. N-na-touch lang ako sa p-pagaalala niyo," palusot ko.

Ang bait nga naman niya. Sabi nila, 'nobody's perfect,'  pero siya, exception siguro sa everybody.

Umalis kayo nun nung dumating na si daddy at mommy.

Iyak ako nun ng iyak.

Nung makalabas ako sa ospital, agad akong pumasok sa eskwelahan. Sayang naman kasi. Malay mo may test pala. At isa pa, Valentine's Day kasi.

Pagkapasok ko, di nga ako nagkamali. Halos lahat ng lalaki ay may dalang flowers, chocolates, stuffed toys.

Dire-diretso akong naglakad papunta sa room natin. Pero papasok palang ako, rinig ko na ang boses mong kumakanta ng 'Thinkin' Out Loud' ni Ed Sheeran

Nung pagtingin ko sa babaeng kinakantahan mo, nakita ko si Olivia.

Sobrang nasaktan ako nun. Tumakbo ako palabas ng eskwelahan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta gusto ko lang tumakbo.

Kakatakbo ko, hindi ko namalayan na may bus palang patungo sa direksyon ko.

At nabangga ako.

Nawalan ako ng malay.

Pero hindi ako nawalan ng malay hindi dahil sa sakit ko sa puso. Hindi dahil sa pagkabangga ko.

Dahil sa durog kong puso.

At nung araw ding yun, namatay ako.

Masaya ako ngayon, kasi nakikita kong masaya ka kasama ang mga anak niyo ni Olivia.

Kahit sa huling minuto ng buhay ko, ikaw pa rin ang nasa isip ko.

Naalala ko pa yun.

Yung huling minuto ng buhay ko.

End

---

AN: Dedicated ito sa inyong lahat! Happy Valentines Day! Single ako kaya bitter ang tema ng storyang ito. Walang basagan ng trip. Hihi~

My Last MinuteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon