PROMISE. [One-shot]

499 25 13
                                    

ASAN NA BA IYONG TAYO?

Ang dami nating pinagkaiba sa isa’t isa.

Mabait ka..

Ako palaban..

Tahimik ka..

Ako mabunganga..

Sweet ka..

Ako, sweet pero masakit maging sweet.

Lagi kang bugbog saakin ng pagmamahal. At minsan pa nga sabi mo nasasaktan ka na. Ngunit sa pagkasabi mo non hindi mo ako binitiwan.

Positive ka, ako negative. Sabi nila, hindi pwedeng maging tayo. Magkaibang-magkaiba kasi tayo. Ngunit hindi natin pinakinggan iyon mas lalo pa tayong naging matatag tayo. Naging masaya tayo.

Naalala ko pa, noong una tayong nagkakilala. May hawak ka noong gitara. Nakatambay ka sa may puno. Kong saan malapit sa may lamesang pinagtatambayan ko. Kumanta ka. Medyo nakuha mo ang pansin ko. Dahil sa totoo lang, mahilig ako sa musika. At habang kumakanta ka, palihim akong pinagmamasdan ang iyong bawat strum sa iyong gitara.

Nagbago ulit ang kanta. Mas bnakuha mo ang pansin ko dahil nilakasan mo ang pagkanta mo sa iyong kanta.

*PLAY THE SONG IN THE MULTI-MEDIA*

♫Ano bang meron ka na wala sa iba

At napapatunganga

Tulala sa ganda ang madla

Halos di na magkandaugaga

36-24-36, oh, flawless

Materiales fuertes

Ang kulang pa ba sa buhay mo’y ano..

Pagkasabi niya  noon, hindi ko alam kong aksidente ba iyon pero nagtama ang mga mata natin. Napalunok ako, saka bumalik ka sa pagstrum ng gitara mo.

♫Ano pang masasabi, the best ang ugali

Gusto ng marami

Ang sarap pang magluto, lahat paborito

Panalo ka mismo

Kahit na anong topic pang pag-usapan

Anything under the sun

Ang kulang pa ba sa buhay mo’y ano

Parang glue ang mga titig mo. Hindi ko na nakayang lumingon pa sa iba. Saiyo nalang naka-Autofocus ang mga mata ko. Dumating na sa point na iyong mata nating dalawa ay parang nag-uusap na.

♫Kung si Snow White may Prince Charming

At si Darna ay may sidekick na Ding

Si Adan ay may Eba, Florante may Laura

Si Malakas may Maganda

Ang kulang na lang sa buhay mo’y ano

Ang kulang na lang sa buhay mo’y ako

Sa mga linya mo. Sa mga pangungusap na kinakanta mo. Doon nabihag ako. Parang sinasabi mong lahat na sila may istorya at tayo nalang ang wala. Hindi ko alam pero napangiti mo ako noon, bumalik din ang ngiting iyon saakin dahil nginitian mo ako.

Ang kulang na lang sa buhay mo’y ako

Natapos ang kanta. Tinawag na ako ng barkada. Umaasa ako na bukas sana makita pa kita. Hindi ako nabigo, bumalik ako sa tambayan. Nandoon ka kasama ulit ang gitara mo. Hindi ako nag-atubiling , lumapit,tsumamba para kausapin ka.

PROMISE. [One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon