KandiLa!

59 0 0
                                    

Author's Note :

Enjoy Reading :))

------------------------------------------------------. 

MAHIGIT isang taon lang na naging magnobyo sina Lea at Rey 

nang ipasya nilang umuwi sa kanilang probinsya para magpakasal .

"Hindi ko sukat akalaing kayo pala ni Rey ang magkakatuluyan. 

Doon pa kayo nagligawan sa Maynila, ha!" nakangiting wika ni Aling 

Nelly, ang butihing ina ng dalaga.

"Ni hindi mo nga siya pinapansin pag isinasama dito ng Kuya 

Jeffrey mo, a!" namimilyong dugtong naman ni Mang Fred.

"Crush na namin ang isa't isa noon pa, itay. Sinikap lang naming 

maging magkaibigan muna. Pareho naming sinunod ang payo ninyo at 

ng mga magulang niya na magtapos muna ng pag-aaral at magtrabaho 

bago ang pag-ibig," anang dalaga.

"Sino pala'ng best man?" patay-malisyang sabad ni Jeffrey.

"Syempre ang nag-iisang best friend ni Rey...ikaw! Ang maid 

of honor naman ay ang dream girl mong si Angelica!"

Si Angelica ay kapitbahay nila at kaklase pa ni Jeffrey simula 

elementarya hanggang haiskul. Simula pa noon ang panunuyo ng binata 

sa kababata ngunit tila takot umibig ang huli. Nasiraan kasi ng bait ang 

ina ni Angelica dahil iniwanan sila ng kanyang ama at sumama sa ibang 

babae. Pitong taon lang ito noon nang namatay sa isang sakit ang ina. 

Ang matandang dalagang tiyahin na lamang ang nag palaki rito. Dahil 

tindera lang ang tiyahin, hindi na ito nakapagpatuloy pa sa kolehiyo. 

Tumao na lamang ito sa kanilang sari-sari store sa palengke sa bayan.

"HELLO, Angelica! lalo kang gumaganda't sumeksi ngayon,a!"

"Naks! Mas lalo ka, Lea! Iba na talaga kapag galing Maynila!" 

tuwang-tuwa na itinabi ni Angelica ang mga paninda nilang flower stand 

at inilabas ang dalawang plastic na upuan. "Halikayo sa loob!"

"Salamat...pero di na kami magtatagal. Dumaan lang kami para 

personal kang masabihang ikaw ang gusto naming maging maid of 

honor!" Masuyong ikinawit ni Lea ang kamay sa bisig ni Rey.

"Oo bah! Ibinalita na 'yan kanina sa akin ni Jeffrey!"

"Loko 'yon a! Inunahan pa kami! Palibhasa'y mas excited pa 

'yon kaysa sa 'yo Angelica! Ikaw kasi ang makakapareha n'ya!" 

Nanunukso ang tawa ni Rey.

Biglang napalitan ng kabagsikan ang kanina'y kagalakan sa mga 

mata ni Angelica.

------------------------------------------ 

ITUTULOY! 

Author's note : 

ItutuLoy Ko Ang Kwento NA Ito

Kapag Marami Ang Nag Suggest

PLease Vote/Like

Thank You :))

Follow Me in Twitter

@nniikkaalleett

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KandiLa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon