Red Notebook

157 13 3
                                    


"Hay, Ang init talaga !" Reklamo ng kaibigan kong si Lance habang naglalakad kami papunta sa Room. Inilabas niya yung color pink na pamaypay niya na may makukulay na balahibo sa gilid atsaka niya pinaypayan ang sarili.

"Katabi mo kasi ako kaya mainit. Alam mo namang ang hot hot ko eh!" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Oh! Edi ikaw na hot! Palitan mo na yung araw. Nahiya sayo eh. The best ka eh." Sarkastikong sagot niya.

Napailing na lang ako habang natawa. Nang ideretso ko ulit ang tingin ko, nakita ko siya.

Kasama niyang naglalakad ang mga kabarkada niya. Nakikipagbiruan. Nakikipagtawanan. Nakangiti siya ng malapad.

Magkakasalubong kami. Lahat ng ingay sa paligid ko biglang nawala. Bumabagal rin ang paligid. Nakatuon lang sakanya ang atensyon ko.

Ang ganda ng mga ngiti niya. Kitang kita ang pantay at mapuputi niyang mga ipin. Nawawala rin ang mga mata niya sa tuwing tumatawa siya. Ang sarap pakinggan ng bawat tawa niya para itong isang napakagandang kanta. Lumingon siya sa akin at nakangiti pa rin siya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, may kung ano din akong naramdaman na gumagalaw sa loob ng tiyan ko.

Malapit na siya sa akin.

Akala ko lalapit siya sa amin pero hindi pala. Dumiretso lang siya sa paglalakad kasama ang mga barkada niya. Nilagpasan niya ako. Sinundan ko parin siya ng tingin kahit nakalagpas na siya. Kinakausap niya na ngayon yung barkada niyang babae. Nakangiti siya habang nakikipagusap sa mga babaeng yun.

Parang anytime susugod na ako dun at hihilahin ko yung buhok nung babae at uubusin lahat ng buhok niya sa ulo hanggang sa magdugo na rin ang mga anit niya. Hays. Ang brutal ko. Hindi ko naman kayang gawin ang mga yun.

"Yung leeg mo, mababali na. Daig mo pa si lastikman ah"

Napabalik ang atensyon ko kay Lance at sinamaan siya ng tingin.

"Masakit no ?" Dagdag niya pa habang tumatawa ng nakakaloko.

"Alin ?! Yung puso ko ? Hindi no." Mabilis na sagot ko.

"Hindi. Yung leeg mo! Kanina ka pa nakalingon kay Caleb diyan eh. Hahahaha" tawang tawa niyang sagot.

Inirapan ko na lang siya baka kung ano pang kabrutalan ang magawa ko sa kanya.

Napabuntong hininga na lang ako.

Kailan kaya ako mapapansin ni Caleb ? Kelan kaya niya malalamang may katulad kong nageexist sa mundo ?

Hays. Grabe yung nagiging epekto ng ngiti niya sa akin. Minsan nga kahit likod niya lang ang nasusulyapan ko, kinikilig na ako eh.

Kaya lang ang unfair kasi ako lang ang nakakaramdam nito. Samantalang siya hindi man lang alam ang existence ko.

Kaya nga kuntento na ako sa pagi-imagine at pagfa-fantasize sa kanya. Iniimagine ko na masaya kaming magkahawak ang kamay habang naglalakad. Iniimagine ko rin na may gusto din siya sa akin.

Nakapagsulat na nga ako ng story namin sa red na notebook ko na kaming dalawa ang bida. Kaya lang hindi ko pinapabasa sa iba kasi nakakahiya.

Medyo marami na rin ang tao dito sa loob ng room ng makarating kami ni Lance. Umupo na kaming dalawa sa upuan namin. Maya-maya dumating narin si Caleb at yung barkada niya.

Nakalimutan kong sabihin na kaklase ko siya. Umupo na sila sa katabing row ng inuupuan ko. MagkaTapat ang inuupuan naming dalawa ni Caleb.

Dahan dahan kong nilingon ang pwesto kung saan nakaupo si Caleb. Napaiwas agad ako ng tingin ng nakita kong lilingon din siya sa pwesto ko.

Notebook [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon