"Klarisa, I have to tell you something." He held my hand.
Kinabahan ako kasi sa paghawak nito sa aking kamay, something's is not right. Tiningnan ko ito sa mata, "Ano 'yon?"
Napayuko siya na parang nahihiya ipahiwatig ang kanyang tsismis. Kunot noong kong itong tinanong ulit. "Sasabihin mo o sasabihin ko."
"A-alam mo na?"
"Ang alin ba?! Madami akong alam." Pagmamayabang ko rito.
Napairap nalang ito at hinawakan ang isa ko pang kamay ko, nanginginig nito binuka ang bibig at sabing "Matagal ko na itong gusto sabihin sayo, kaso natatakot ako sa magiging reaksyon mo"
"Ano nga—"
"Mahal kita, matagal na."
Andami pa kasing paikot-ikot antagal sabihin yun lang pala— ha? "Ano?!"
"Klarisa naman! Minsan lang ako umamin sulitin mo na!" Pagmumuktol nito, walang hiya mabasted nga.
"Paano kung sinabi kong may iba akong mahal?" Seryoso kong ani, you know para may effects.
Napatigil ito, kitang kita ang mga luha na nasisiunahang lumabas, gusto kong matawa pero wag muna. "Ganon.. ba?" Napiyok pa ang gago.
"Oo ganon nga, patawad." Binigyan ko ito ng yakap, chansing narin.
"Sino?"
"Si Hades Syrel Delveñia" Randam kong napatigil ito at sininghot lahat ng sipon atsaka nilunok, punyeta! Kadiri.
"Alam mo? Bwesit ka." Ani niya at muling nilunok ang plema.
"Alam mo? Kadiri ka." Aalis na sana ako sa pagkakayap ng higpitan niya ito. "Ah! Kadiri ka alis. Shupi!" At gumalaw ako ng gumalaw para makatakas sa nakakadiri niyang yakap.
"No"
Napaharap ako rito, "Ayy! Attitude—"
Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ng siniil niya ako ng halik, gusto kong masuka pero wag muna naka menthol si beybe talagang hinanda ang sarili. Tutungunan ko na sana ito ng may biglang isang tukmol ang gumising sa akin— panaginip pala yun?
"Gising na! Hapon na, kaya ka hindi kina-crushback ni Hades." Ani ng demonyita kong ate.
"Alam mo ate? Panira ka ng dreams." Tumayo na ako at iniwan siya sa kwarto bahala na! Siya magtutupi ng mga kumot panira ng dreams. Epal sa lovelife.
"Maligo kana! Hindi sabado ngayon para managinip laking pasalamat ko nalang dahil hindi ka umungol." Sigaw niya, nanlaki ang mata ko at muling bumalik sa kwarto.
"Anong sinabi ko ate!"
"Ito 'Si Hades Syril Delvañia' ayan with feelings nayan" At dindramahan ang pagkabigkas sa pangalan.
"Ahh! Puta! Ate! Legit yan?"
"Bahala ka jan, maligo kana." At lumabas ng kwarto.
Wala na akong nagawa at naligo nalang para makahabol sa afternoon classes namin. Hindi na ako nagtsikad kasi malapit lang naman ang school sayang pa sa 7 pesos.
Sinilip ko muna kung walang guard sa gate saka ako mala narutong tinakbo ang classroom, bubuksan kona sana ang room ng may tumawag sa aking pangalan. "Klarisa!" Lumingon ako rito at nalaman kong si Hades pala, bwesit! Naalala ko yung panaginip ko.
"Ano yun Delvañia?" Tanong ko rito, yes! Ganoon ako tumawag ng mga kaklase at hindi siya exception.
"Klarisa, I have to tell you something."
Nanlamig ako sa narinig, at hindi makatingin sa mata nito. "What is it?"
I need to change the plot! Baka magkatotoo, yes! May crush ako sa lalaking ito pero ayaw ko maging kami. "Alam mo bang.."
"Hindi, wala akong alam. Bakit ano ba'yun."
"Kanina ko pa sana sasabihin sayo kaso ang bilis mong tumakbo." Nahihiya nitong ani.
"Antagal! Bilisan mo, malelate na ako."
"May tagos ka." At nagmadali itong umalis.
Tagos? Amp! Punyeta! Red holidays?! Namula agad ako sa hiya, shet!
YOU ARE READING
Once In Another
Non-FictionTap here to write a description... The book cover is under editing pa, so shut tf up and just read. If there's a typo means type mo ako.