My Valentine's Day

7 0 0
                                    

         May new message akong natanggap. Excited akong binuksan ito sa pagaakalang sya na yun pero hindi pala. Sa sobrang disappointed ko, hindi ko na pinansin ang cellphone ko buong maghapon. Sa halip ay nag-surf na lang ako sa net. Pagbukas ko ng facebook account ko, tiningnan ko kaagad kung may pm ba sya sa'kin pero wala pa rin eh. Sinunod kong tiningnan yung notifications. Aba may pinost pala sya sa group namin, agad ko naman itong binasa.

                        Raeden Cruz

                Ui.. Sinong free sa inyo dyan this coming feb. 13? Pls. I need help.

                Posted 30mins. ago . Like . Follow post . Report

        "Ano kayang meron?" bulong ko sa sarili ko tapos binasa ko yung mga comments. May isang comment dun kung saan napako ang mga mata ko.

                        "Panliligaw ni Raeden"

        Isa sa mga kabarkada nya yung nagpost nun. Nakakainis kasi hindi ako makapagreact ng ayos sa nabasa ko. Hindi ko maabsorb ang fact na iyon. Hindi ko namamalayan may tumulo na palang luha mula sa mata ko. Dali-dali kong shinut down yung computer pagkatapos ay umakyat na ko sa kwarto at dun nagkulong. Kinakalma ang sarili pero hindi pa rin mawala ang down kong feeling.

        "Ito ang napapala ng na-iinlove sa sarili mong bestfriend eh." sabi ko sa sarili ko at muli na namang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. "Magbestfriend kami hindi ba? Pero bakit hindi man lang nya ako sinasabihan tungkol sa mga ganitong bagay? Tsaka yun ba ang dahilan kung bakit nawawalan na kami ng komunikasyon sa isa't isa?"

        Mayamaya'y nakarinig ako ng katok. Hindi na pala ako nag-iisa dito sa bahay. Agad ko namang binuksan ang pinto. Si Ate Myst pala ay nandito na at narinig ang pakikipagusap ko sa hangin. Niyakap ko sya ng mahigpit at saka humagulgol.

        "Ate Myst, anong gagawin ko? Ayoko ng ganitong feeling..." hindi sya agad sumagot sa halip ay pinaupo nya ako at tumabi sya sa'kin pagkatapos ay tumingin sya sa mga mata ko ng diretso.

        "Sundin mo ang sinasabi ng puso mo at alamin mo kung ano ba ang nararapat mong gawin... Nakasalalay sa gagawin mong desisyon ang kaligayahan mo at ang kasiyahan nya..." Tumayo na sya. "Una na ko, kailangan ko pang gawin yung pinapagawa ni tita. Tsaka magayos ka na nga pala... Mayamaya darating na sila..." ngumiti sya saka lumabas na ng kwarto ko.

        Pumunta muna ako sa balcony at nagpahingin.

         "Ano ba ang tama at dapat kong gawin?" tanong ko sa sarili ko.

----~~¤~~----

        "Kuya naman eh! Ayun oh! May isa pa dun! Bakit mo inaagaw yang cake ko?"

        "Cake mo? Asan ang pangalan mo dyan?"

        Nagtawanan kami at ayun si bunso nakasimangot. Ang cute cute nya talaga kapag naka-pout. .(^v^).

My Valentine's DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon