HDS C15

509 11 6
                                    

Madaling araw ng bumangon si cane sa higaan dahil sa bangungot,kukuha sana sya ng tubig ng makitang nakaawang ang kwarto ni drawn,kuryoso nyang sinilip ang binata kung tulog na ba ito.Hindi na sya nagulat ng makitang wala nanaman ito sa silid at mukang umalis nanaman.

Nuong mga nakaraang araw  ay napapansin nyang busy ang binata pero sobrang busy naman yata nito dahil ulti mo gabi na pahinga nito ay tinatrabaho parin,Nag tataka man sya pero inisip nalang nyang baka busy eto sa negosyo.Sino ba naman kasing hindi mabi-busy kung biglang may pumutok na news na ang CEO ng Monatesllo Campany na Anghel sa mata ng tao ay nakitang nakikipag away sa bar.Kaya ayon madami kaagad ang humusga sa binata.



Hindi nya maiwasang hindi maawa dito dahil samu't sari agad ang nakuha nitong masasakit na salita tungkol sa nitizen na sobrang bait ang tingin dito kaya't nuong nag bar ay madaming hates agad ang natanggap.Mas lalong dumami ang hates nitong natanggap ng isa sa paparazzi ay napicturan sila ni drawn.Lahat ng picture nila simula ng tumida sya dito,pag buhat sakanya nito at marami pang iba.


Ani ng mga tao ay kabit ko daw si drawn kaya hindi rin sya nakakalabas.Nuong una ay medjo naiintindihan nya pa ngunit sa tagal narin at sa mga araw na lumipas ay parang ayaw na nya ng ganito.Hindi pwedeng andito nalang sya palagi at naka kulong sa condo ng binata upang hindi pagka guluhan sa labas.


Paano naman ang buhay nya? Paano naman ang kanyang trabaho? Kahit ganyang ang kanyang katanungan sa sarili hindi nya maiwasang hibdi mahiya kay drawn dahil sya ang dahilan kung bakit ito nahihirapan ngayon.Kung hindi sana sya tumira dito ay tahimik parin ang buhay nito.


Pansin nya ang pagiwas ng binata sakanya pero ngayon ay hindi na sya makatiis talagang kukumprontahin na nya ang binata kung ano ba talagang problema,baka kasi mamaya ay ayaw na pala nito na dito sya tumira at umiiwas nalang sakanya upang maiwasan din ang issue.Pumunta sya sa kusina upang kumuha sana ng tubig para kumalma sya ng mahagip ng mata nya ang dalawang lalaki na nag susuntukan sa sala.



"fuck you man! Not my sister!" Malakas na sigaw ng kaaway ni drawn at sinuntok ulit ang huli,lasing na lasing si drawn at tila walang pakielam sa sumusuntok sakanya.Dahil nga madilim ay hindi nya makita ang muka ng kaaway nito pero kilalang kilala nya ang boses nito! Kung hindi sya pinag lalaruan ng kanyang tenga ay Si Rajesh Bressett na amo nya ang kanyang naririnig!.Ano naman ginagawa nito dito? mukhang hinatid yata ang kaibigan pero bakit sinusuntok?



Lumapit sya sa dalawa at binuksan ang ilaw.Mukang hindi nagulat ang amo nya sahalip ay pinuntahan sya nito at hinatak nalang bigla palabas ng condo.kunot noo nya itong tiningnan,ano to hilo? bat nya ako sasama? at san nya ako dadalhin?! "let's go home princess you don't deserve that bastard!" Malakas nanamang sigaw ng kaharap na animo'y lalabas na ang sungay pag pumalag sya.hindi sya magpapatalo dito! hindi nya iiwan si drawn!


Nilingon nya ang binata na ngayon ay langong-lango na tumatayo at ng tuluyan na itong naka tayo ay saka sya nito hinawakan sa pulso sa kabilang kamay kaya ang nangyari ay magkabilang kamay ang hawak sakanya ng dalawang lalaki na parehas nag aalab ang mga mata,Kay Rajesh ay galit habang nag aalab naman sa pag mamakaawa ang kay drawn.she didn't get it! ano ba ang nangyayari?


"Rajesh dude please,Don't do this..I know i have a mistake but please don't take her away from me" Pag mamakaawa pa nito na parang tuta,magulo ang buhok,bakas ang eyebags sa mata,bakas ang pagod at hindi pag tulog,He totally look wasted! What happened? at anong pag kakamali ang nagawa nito?


"fix yourself first drawn ayusin mo muna ang gusot mo bago ko ibigay ang basbas ko sayo" Tiim bagang na sagot naman ni rajesh na nagpapitlag sakanya,ano bang pinag uusapan ng dalawang ito? Nagulat sya ng biglang bitawan ni drawn ang pulsuhan nya at hinitak naman sya ni rajesh sa buong pwersa ngunit may ingat.


HIS DARK SIDE SERIES 1: DRAWN MONASTELLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon