CHAPTER 1

5 1 0
                                    

Mariin kong pinikit ang aking mga mata para mapigilan ang inis na aking naramdaman ng tumunog ang alarm na si-net ko. Nakakapagod. First year college pa lang ako pero pagod na pagod na ako. Ang hirap maging panganay. Kailangan hindi ka magkamali kasi nakasalalay sayo ang kinabukasan ng pamilya mo. Ang hirap kasi hindi naman ako biniyayaan ng talino dagdag pa ng pressure galing sa mga magulang ko. Nakakatakot magkamali. Di naman kami mayaman, lubog pa sa utang ang papa ko at palagi pa nyang sinasabi sa akin na ako ang aahon sa amin sa kahirapan. Nakakarindi na rin minsan gusto ko nalang umayaw, pero sa tuwing nakikita ko ang mga kapatid ko hindi ko maiwasang isipin kung paano na lamang sila kung aayaw ako.  

Narinig ko ang katok ng mama ko sa may pinto Bella, bumangon kana 4:30 AM na malayo pa ang byahe mo. Isa pa to, kung tutuusin kaya namang mag byahe ng halos isang oras papunta sa University pero ano bang aasahan ko dito sa Cebu? pag nasa byahe ka at mahimbing na natutulog pagkagising mo andun ka parin sa lugar kung saan ka nakatulog. Busangot akong bumangon at labag sa loob na pumasok sa Cr upang maligo. 

Nakarating naman ako sa Univesity around 6am, lumawak naman ang ngiti ko habang naglalakad papuntang Lounge, 7:30 pa ang duty ko sa opisina, scholar kasi ako, 9:30 am naman ang first class ko pag MWF. Ito ang gawain ko pag maagang makarating sa school, ang matulog sa lounge at aakyat papuntang opisina pag tumunog ng bell. Dahil sa pagiging scholar ko ang target kong 4 years sa college magiging 5 pa ata. Required kasi ang mga scholars na mag render ng duty, may limit din ang units na pwede naming kunin at pu-pwede lang mag overload ng 3 units o equivalent ng isang subject. 

Oy! tunganga ka jan? may assignment kana para mamaya? napakunot naman ang noo ko sa pinagsasabi ng damuhong to. Naalala ko naman agad kung ano yung pinagsasabi nya pero dahil di kami close at lumalapit lang to pag may kailangan, ibinalik ko sa pagkalito ang ekspresyon ko. Anong assignment pinagsasabi mo jan? meron? yawa! ba't di ko alam?. Napailing naman syang lumayo sa akin habang kumikibot ang bibig, na badtrip siguro dahil walang napala sa paglapit nya sa akin. 

Hoy! Bellaattt! Freedom park tayo mamaya ah, manglilibre ako dahil nanalo yung manok na pinustahan ko kahapon sa may sabungan! Napangiwi naman akong lumingon sa babaeng di pa nga nakakalapit sa akin eh ang dami ng sinasabi, nakalimutan ata nyang nasa Catholic school kami. Abaý kung ganon bakit ako hi-hindi? libre na yan eh at pwede ba bawas bawasan mo ang pagtawag sa akin ng Bellat, animal ka talagang yawa ka! natatawa naman nyang ginulo ang buhok ko sabay upo sa kabilang upuan na nasa harapan ko. Natapos naman kaagad ang klase namin at nandito kami ngayon sa may 7 eleven, hinihintay yung iba naming barkada na mula pa sa ibang university. 

Akala ko ba pinayagan na si Laurel na gamitin yung Honda Civic nya? diba nakuha na nya yung lisensya  nya last week? napaisip naman ako sa sinabi ni Mirathea. Saan naman sya mag p-park kung dadalhin nya yun dito? at ang lapit lapit ng school nila ni George dito, ilang kanto  lang at makakarating na sila. Speaking of the devils, natanaw na nga namin si Laurel kasama si George, nahanapan siguro nila ng paraan kung paano mapag tu-tugma yung schedule nila. Ngumiti naman agad si Mirathea pagkakita sa kanila, di pa nakuntento at pumito pa na parang barumbado habang kumakaway. Walang hiya talaga tong babaeng to, nag u-uniform pa sya nyan ah. Di rin nagtagal ay dumating si Chanizza na di parin kumukupas ang pagka kikay at nagawan pa ng paraan ang uniform nilang may pagka checkered ang style sa baba. 

Grabe sobrang init, buti na lang at hindi traffic ngayun, anong oras ba ang duty mo ulit Bella ? nakangiwing tanong ni Chanizza habang tinitingnan ang sarili sa kanyang compact mirror upang masigurado na hindi nabura yung make-up nya. 2pm pa naman Izza. Hinigit naman ni Mirathea ang braso ko ng makitang nakabalik na sila Laurel, inutusan kasi nya ang mga ito na bumili muna ng tubig. Lumapit naman sa akin si Laurel at binigay yung isang tubig na hawak nya. Here Isabella, linuwagan ko na yan para di ka mahirapang buksan. Nagpasalamat naman ako kaagad pagka tanggap ko sa tubig at nagsimula ng lumakad kasabay nya habang nasa likuran namin ang tatlo na halatang nagbabangaya na naman.

Ang sakit ng tiyan ko, wohhh! tabang Lord! walanghiyang sigaw ni Mirathea habang hinahawakan ang tiyan nya na parang buntis ngayon sa kabusugan. Nandito kami ngayon sa isang kainan ng chicken joy kuno at kami nalang ang natitirang customer dito. Inis ko namang tinampal ang hita nya ng umangat ang skirt nya dahil sa kakalikot nya sa upuan nya, napaayos naman agad sya ng upo ng makitang seryoso ang mukha ko. Si George at Chanizza naman ay nasa harapan namin na may pinag-uusapang seryoso. Si Laurel naman ay naglalaro ng Mobile Legends dito sa akong tabi. Kinulbit ko naman sya at binigyan ng juice, nagulat naman sya sa ginawa ko kaya namatay ang hero na dinadala nya. Pinalitan ko lang naman ng juice yung inumin nya kasi gusto ko yung mogu mogu na hawak nya. Napasimangot naman nyang ibinalik ang atensyon sa laro. 

Hinihingal akong nakarating sa opisina habong sapo ang aking dibdib. Lintek na yan, akala ko ma l-late na ako Nagliwaliw pa kasi kaming lima pagkatapos kumain para daw matunaw yung kinain namin at ma exercise ng kaunti sabi ni Chanizza, bagay na kinangiwi nila Laurel dahil alam naman naming lahat na sa Watson's nanaman ang bagsak namin.  Ang resulta tuloy 1:50 PM na kami nakabalik at ayaw pa atang tumigil ni Chanizza sa kakapili kung hindi lang sya pinaaalahanan ni George na may duty pa ako. Nasa 4th floor yung opisina kung saan ako na assign kaya sobrang hingal ko ng makaabot sa huling baitang. Kung maaari ay ayaw kong magka bad record dahil mahirap na kung matatanggal ako, ang mahal pa naman ng tuition dito at pahirapan pang mag maintain ng grades para ma keep yung scholarship mo. 

For the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon