Tittle: "LOVE vs. PRIDE"
[A VALENTINES DAY SPECIAL]
Written by: "Ms. Alejos"
Sa isang kagaya kung lumaki at namulat sa kahirapan, ni minsan hindi pa sumagi sa isipan ko ang sinasabi nilang pagmamahal sa isang lalaki o ang tinatawag nila na pag-ibig, namulat akong ang una kung pangarap ay ang maiahon sa hirap ang aking pamilya. Salat man kami sa lahat ng bagay ngunit lumaki akong busog naman sa pagmamahal ng aking mga magulang, ng aking pamilya. Nangarap ako sa mura kung edad, nangarap na balang araw ang lahat ng pangangailangan ng aking pamilya ay maiibibigay ko. Hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral dahil na rin sa kakulangan sa salaping pantustus sa akin. Magkaganoon pa man hindi naging hadlang sa akin ang kakulangan sa edukasyon, bagkus mas naging pursigido akong mangarap at maisakatuparan ang pangarap na iyon, ang pangarap ko sa aking pamilya. At ang pangarap ko hindi naman tinigilan na hindi iyon matupad.
At ang pinakahihintay ko sa wakas dumating, nakaalis ako ng bansa sa kauna-unahang pagkakataon. Nag-aaplay ako bilang domestic helper sa bansang Syria, sa mura kung edad lakas ng loob ang naging puhunan ko at ang pagitiwala kay Allah. Ang kinalakhan kung lugar ay aking iniwan sa pag-aakalang magiging maayos ang lahat at dagling matutupad ang aking mga pangarap. Kagaya ng mga unang sumabak abroad naranasan ko ang mangulila sa pamilya, malungkot at manabik na makasalamuha ang mga minamahal ko. Ngunit tanging ang pangarap ko ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para maipagpatuloy ang buhay sa ibayong lugar. Malungkot ngunit nanatili akong matatag. Kapag may tiyaga may nilaga, iyon ang naririnig ko na madalas na kasabihan, at totoo eto mahaba-haba din ang dalawang taon, at halos gusto kung hilahin ang araw, buwan at taon para makauwi, para makasamang muli ang mga mahal ko sa buhay. Taong 2014 ng matapos ang dalawang taon kung kontrata sa Syria. Pero kagaya ng karaniwang OFW hindi rin ako nakapag ipon, magastos din kase may mga kapatid pa akong nag-aaral at hindi naman ganoon kalaki ang sahod ko.
Umuwi ako ng Pilipinas ng matapos ang kontrata ko, para makasama ko rin ang pamilya ko. Ngunit tila wala namang nagbago sa pamumuhay namin sa nakaraang dalawang taon maliban sa nagpatuloy ang buhay at takbo nito. Kaya nagdisisyon akong umalis muli ng bansa, at ngayon patungo naman akong Qatar, malungkot man at mararanasan ko nanamang mangulila sa aking mga mahal sa buhay, wala na akong choice kundi muling makipagsapalaran muli sa ibayong lugar.
***
Kung gaano ako kasabik na maipagpatuloy ang pangarap ko para sa pamilya ko, ganoon din naman ka lungkot dahil iiwanan kong muli sila, pero para naman sa kanila kung bakit ako aalis. Kasalukuyang nasa Airport na ako, connecting flight ang alis ko, ngunit sa pangalawang pagkakataong aalis ako ngayon pa pala ako magkaka problema. Na-offload ako dahil sa pangyayari hindi ako hinayaang makaalis ng immigration. Para akong basang sisiw sa loob ng airport, walang-wala din naman kase ako ng oras na iyon, hindi ko rin alam kung paano na ako makakabalik ng Mindanao, wala akong kahit isang kusing sa bulsa. May dala akong cellphone ngunit tila nakisama pa sa kamalasan ko ng araw na iyon, naubos din ang baterya nito. Lumapit ako sa isang kahera at naki usap na makargahan ang cellphone ko kahit sandali, mabuti nalang at pumayag naman eto. Iniwan ko sandali ang aking cellphone, at naupo sa di kalayauan habang naghihintay. Naghihintay sa wala, nag-iisip ako kung paano ako ng oras na iyon. Napakatagal kung nakatanga si airport magdidilim na sa labas. Sa totoo lang kahit na nakarating ako ng ibang bansa takot ako sa Manila, hindi ko kabisado ang lugar na eto. May mga malalayong kamag-anakan nga kami pero diko naman naiikot pa ang Manila.
BINABASA MO ANG
LOVE vs. PRIDE
Short Story"Hindi katangahan ang magmahal at masaktan, nagiging tanga ka lang kung paulit-ulit mong tinatanggap na masaktan ka, at paulit-ulit mong hinahayaan ang taong iyon na saktan at durugin ka"