6

39 1 0
                                    

JUNGKOOK'S POV

Naglalakad ako ngayon mag-isa sa parking lot ng school, masama ang pakiramdam ko at hindi ko rin kasama ang mga kaibigan ko nag-gala kasi sila.

Nang makarating ako dun may grupo ng mga lalaki akong nakita. I think nasa anim sila.

"Ang ganda talaga ng Campus Princess ng University niyo" rinig kong sabi ng isa sa kanila. Medyo malayo ako sa kanila pero nadidinig ko yung pinag-uusapan nila.

"Oo nga, ang sexy pa" dagdag pa ng isa sa kanila.

"Balita ko wala daw boyfriend yun, mapormahan nga!" Sabi pa ng isa sa kanila.

"Virgin pa kaya yun? Mas jackpot kapag Virgin!" Dagdag pa nung nagsabing popormahan daw niya si Shai.

Oras na narinig ko yun ay agad nagdilim ang paningin ko kaya nilapitan ko sila.

"Anong problema niyo at pinag-uusapan niyo si Shairine? Tigil-tigilan niyo ang pambabastos niyo sa kanya!" Sabi ko ng makalapit ako. Mga outsider pala ang mga to' si Gomez lang ang kilala kong nag-aaral dito. Captain ng basketball yang si Gomez dito at bully. Kaibigan niya siguro tong mga kasama niya.

"Bakit sino ka ba? Boyfriend ka ba niya huh?!" Maangas na sabi nito atsaka ako tinulak.

"G*go ka pala eh!" Sabi ko atsaka siya sinapak, napaatras siya dahil sa lakas ng pagsapak ko. Pinunasan nito ang dugo sa labi niya atsaka tumingin ng masama sakin.

"Tss.. Yun lang ba ang kaya mong gawin?" Sabi nito atsaka ako sinugod. Sasapakin sana niya ko pero agad akong umiwas, pinagtatadyakan ko siya ng biglang may dalawa pa sa kasama nila ang humawak sa magkabilang braso ko dahilan para pagtulung-tulungan nila ko. Pinilit kong lumaban sa kanila pero dahil napuruhan nila ko ay hindi na rin ako makalaban dagdag pa yung masamang pakiramdam ko. Napahiga na lang ako sa sahig habang pinagsisisipa nila ko.

"Tss.. wala naman palang binatbat tong isang to!" Guy #1

"Sino ba to Gomez?" Guy # 2

"Ah yan? Leader yan ng BTB" Gomez

"Ah ito ba yung sinasabing tinitilian daw ng mga babae?" Guy #3

"Oo" Gomez

"Bakla naman pala! Ni hindi man lang makalaban samin" guy #4

"T*ng*n* ! Tara na! Weak naman pala yan" guy #5

Unti-unting nanlabo ang paningin ko ng pinagtatadyakan nila ko bago umalis hanggang sa mawalan ako ng malay.

YANA'S POV

Papadaan ako ng parking lot ng may marinig akong boses ng lalaki.

"T*ng*n* ! Tara na! Weak naman pala yan"

O_________O don't say bad words! T____T nacurious naman ako kaya agad akong nagpunta kung saan nanggagaling yung boses. Nagtago ako para hindi ako makita nang kung sino man yun.

O_____O waaah!  S-si A-ano si... Jungkook! Ang dami niyang galos tapos duguan pa siya. Nakahiga siya sa sahig at walang malay habang pinagtatadyakan nung mga lalaki. Kawawa naman siya! What to do? Nang makaalis yung mga gumawa nun sa kanya ay agad akong nagtatakbo palapit sa kanya.

Ang daming dugo! Anong gagawin ko?

"J-jungkook?" Sabi ko habang medyo tinatapik yung pisnge niya. OMG! Huhu T____T wala akong kinalaman dito.

POV NG MAGANDANG AUTHOR XD!

Oh bawal kumontra! XD pegbegyen! 

Dinala ni Yana si Jungkook sa bahay nila dahil iyon ang tanging paraan na pumasok sa gulong-gulong isip niya. Sarado na din kasi ang clinic ng School nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SKOOL LUV AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon