RED
"RED!!!"
Naibulalas ko nang makita ko ang kalunus - lunos na kalagayan ng aking sinta. Nagpupumilit siyang makaalis sa tubig. Nasaksihan ng aking mata ang paglutang ng kanyang katawan.
Naitapon ko nang wala sa oras ang mga pagkaing dala - dala ko. Agad ko siyang dinaluhan at inialis siya sa tubig.
"R - red, gu - gumising k - ka," naiiyak kong wika. "O - oy, wag kang m - magbiro ng g - ganyan."
Tinapik - tapik ko pa ang kanyang katawa't mukha. Hindi ko maiwasang mapahagulhol.
"T - TULONG!!! T - TULONG!!!" sigaw ko sa pagitan ng aking paghikbi. "R - red n - naman eh T_T"
"F*ck! What happened here Dhee?" humihingal na tanong ng bestfriend kong si Yson. "Anong nangyari? Nasugatan ka na naman ba?" nag - aalalang tanong niya.
"S - si R - red *sniff* t - tulungan m - mo s - siya p - please," humihikbing pahayag ko. Itinuro ko sa kanya ang katawan ni Red.
"W - what?" tila naguguluhan niyang wika.
"TUMAWAG KA NG AMBULANSYA PLEAAASEE!!! A - ayokong m - mawala s - siya *sniff* sa k - kin Y - yson. *sniff* K - kailangan ko s - siya. Dalhin n - natin s- sya sa hospital," wika ko habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi.
Hindi man lang kumilos o kumibo si Yson. Ang nga mata niya'y matalim ang titig sa akin, animo'y sinusuri ang buong pagkatao ko.
"YSON! P - lease, kailangan n - niyang mabuhay. H - hindi ko k - kakayanin kong m - mawawala siya sa kin."
Tila batang patuloy ako sa pag - atungal. Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa mga luhang nag - uunahang lumabas sa aking mga mata pero wala akong pakialam. Mas mahalaga sa akin ang mailigtas si Red. Mahal na mahal ko siya. Hindi siya pwedeng mawala sa akin.Sa pagitan ng aking mga luha, naaninag ko ang dahan - dahang paglapit sa amin ni Yson. Bwiset na 'to. Kitang may emergency apakabagal kumilos.
"Y - yson p - please... T - tulungan mo s - sya *sniff*. D - alhin na n - natin s - ya sa ospital oh," pagsusumamo ko sa kanya.
*poink!!*
"A - ano ba?!! Ba't ka nangbabatok?!!" naiiyak kong wika.
"Bwiset ka! Pinag - alala mo ako! Akala ko nasugatan ka naman sa paghiwa ng mangga tapos ito maabutan ko?!!! F*ck!!" tila frustrated na wika niya.
"M - mahalaga s- sa k - kin si R - red. Yson please... D - alhin na n - natin s - ya sa ospital oh."
"Ewan ko sayo. Langgam dadalhin sa ospital??!! Lakas ng topak mo Dhee," wika niya at naglakad paalis ng kusina. "Lord, ba't ba binigyan niyo ako ng baliw na bestfriend?? Sign na ba to na kailangan ko na syang dalhin sa mental hospital?" narinig ko pang wika niya.
Gagang yon. Hindi naman ako baliw ah. Huhuhuhu! Kawawa si Red, tuluyan na siyang natudas.
***
©️All rights reserved 2021.
YOU ARE READING
Forgotten Humor
Random"Sa likod ng mga ngiti, pilit nagkukubli Isang pusong sugatan, mga matang luhaan Sa likod ng mga tawa, nais itatwa Na di na kaya ng utak, Sa isang iglap, dugo'y masaganang dumanak... Gaya mo, ako'y may sariling istorya.... At hinabi ko ito bilang i...